Pagsabog sa Bilibid resbak sa demolisyon

Pagsabog sa Bilibid resbak sa demolisyon

NANINIWALA ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na may kaugnayan ang isinasagawang demolis­yon ng mga awtoridad sa loob ng New Bilibid Prison sa nangyaring pagsabog ng improvised explosive device sa Quadrant 4 ng Maximum Security Compound noong Biyernes nang umaga sa Muntinlupa City.

pagsabog sa bilibid resbak sa demolisyon - Pagsabog sa Bilibid resbak sa demolisyon
burcore - Pagsabog sa Bilibid resbak sa demolisyon

NANINIWALA ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na may kaugnayan ang isinasagawang demolis­yon ng mga awtoridad sa loob ng New Bilibid Prison sa nangyaring pagsabog ng improvised explosive device sa Quadrant 4 ng Maximum Security Compound noong Biyernes nang umaga sa Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor Spokesperson Major Alberto Tapiru, malaki ang posibilidad na ang nangyaring pagsabog ay pagpapakita ng pagkontra ng mga inmate sa ginagawang demolis­yon sa loob ng pambansang piitan.

Sinabi ni Tapiru na wala namang nasawi o nasaktan sa nangya­ring pagsabog sa loob ng Quadrant 4, east sector ng Maximum Security Compound.

Inihayag pa ni Tapiru na dadagdagan nila ang mga magbabantay sa isinasagawang demolisyon para maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Matapos ang pagsabog, sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad nakarekober ang dalawang granada at dalawang blasting cap sa mga kubol na inookopa ng mga presong terorista gaya ng Abu Sayyaf, Maute ISIS, Rajah Solaan Group at iba pa na katabi lamang ng pinangyarihan ng pagsabog.

Samantala, base naman sa pahayag ni outgoing National Capital Region Police Office director Police Major General Guillermo Eleazar, posibleng sinadyang iniwan o tinanim sa loob ang nasabing pambasabog.

Sinabi ni Eleazar na patuloy pa rin silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa naganap na insidente.

“Kinausap ko na po ‘yung mga personnel doon na kailangan mag-ingat dahil hindi po natin alam baka may mga nakatanim pang bomba doon,” dagdag pa ni Eleazar. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *