Pagpapadala ng mga guro sa Thailand pinoporma na

INAASAHANG maraming mga Pilipinong English teacher ang magkakaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa Thailand dahil sa isinusulong na bila­teral talks sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Thai Ministry of Employment.

The post Pagpapadala ng mga guro sa Thailand pinoporma na appeared first on Abante News Online.

pagpapadala ng mga guro sa thailand pinoporma na - Pagpapadala ng mga guro sa Thailand pinoporma na
abante guro - Pagpapadala ng mga guro sa Thailand pinoporma na

INAASAHANG maraming mga Pilipinong English teacher ang magkakaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa Thailand dahil sa isinusulong na bila­teral talks sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Thai Ministry of Employment.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, isang kasunduan na sumasakop sa pagpapadala ng mga guro ng Ingles ay maaaring malagdaan sa mga darating na linggo upang matugunan ang pangangailangan ng Thailand sa ilalim ng ‘English for All’ Project sa lugar ng Eastern Economic Corridor (EEC).

“Filipino teachers are the preferred nationals needed by the government of Thailand because of the excellent English proficiency and competence of our teachers,” ani Bello.

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga gurong Pilipino ay tatanggapin ng Ministry of Education ng Thailand upang turuan ang mga estudyante sa mga primary at sekundaryong antas sa mga paaralan ng pamahalaan.

Sinabi ng kalihim na ang mga gu­rong Pilipino na matatanggap sa ilalim ng programa ay susuweldo ng 25,000 baht kada buwan o P45K kasama ang allowance sa pabahay.

Kasama sa iba pang mga benepis­yo ang personal accident insurance at round trip airfare at work permit fees na sasagutin ng pamahalaan ng Thailand.

Bukod sa mga guro ng Ingles, bubuksan din ng naturang bansa ang mga oportunidad ng trabaho sa mga dayuhang propesyonal sa larangan ng engineering, arkitektura, medisina, accounting at dental medicine.

Sa kasalukuyan, mayroong 16,704 na overseas Filipino worker sa Thailand, 11,848 ang mga propesyonal na karamihang binubuo ng mga guro, musikero at iba pang mga professional expat na nagtatrabaho sa mga multinational company. (Mina Aquino)

The post Pagpapadala ng mga guro sa Thailand pinoporma na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *