‘Pagpag’ ng mga foreign airline delikado sa ASF

HINDI sakop ng Manila­ ­International Airport ­Authority (MIAA) ang disposal ng basura na kung saan hinihinalang may African Swine Fever (ASF) virus na dala ang mga foreign airline na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

pagpag ng mga foreign airline delikado sa asf - ‘Pagpag’ ng mga foreign airline delikado sa ASF
ABANTE airline - ‘Pagpag’ ng mga foreign airline delikado sa ASF

HINDI sakop ng Manila­ ­International Airport ­Authority (MIAA) ang disposal ng basura na kung saan hinihinalang may African Swine Fever (ASF) virus na dala ang mga foreign airline na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bagkus ito ay pinanga­ngasiwaan ng pribadong concessionaire na may kontrata sa mga airline company para hakutin ang basura mula sa eroplano partikular na ang tirang pagkain na sinisilbi sa mga pasahero.

Pinakiusapan ni MIAA General manager Ed Monreal ang mga airline company na paalalahanan ang kanilang garbage collector na pairalin ang ‘proper disposal’ ng basura para makatulong masugpo sa paglaganap ng ASG virus sa bansa.

Idinagdag pa ng opisyal­ na iwasan muna ang pagbibigay ng mga tirang pagkain sa eroplano ng airline crew sa mga airline sweeper, cargo handler at iba pang grupo na nagtatrabaho sa airport ramp.

Nabatid din sa ilang airline in-flight catering na iiwasan muna ang pagsilbi ng karneng baboy partikular sa mga flight na nanga­galing sa ibang bansa.

Sa isang radio interview kay DENR Under Secretary Benny Antiporda, sinabi nito na ang mga basura mula sa eroplano ay sini-segregate sa isang dumpsite kung saan ang mga tirang pagkain o pagpag ay binibenta bilang kaning baboy na maaring kontaminado ng ASF virus. (Otto Osorio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *