Paglaya ni Pemberton hinarang ng DOJ

Mananatili sa detensiyon si United States Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton hanggat walang desisyon ang motion for reconsideration na isinampa sa korte laban sa kanyang paglaya.

The post Paglaya ni Pemberton hinarang ng DOJ first appeared on Abante.

paglaya ni pemberton hinarang ng doj - Paglaya ni Pemberton hinarang ng DOJ
abante josh pemberton - Paglaya ni Pemberton hinarang ng DOJ

Mananatili sa detensiyon si United States Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton hanggat walang desisyon ang motion for reconsideration na isinampa sa korte laban sa kanyang paglaya.

Ito ay matapos tiyakin mismo ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na may utos ang Department of Justice (DOJ) na huwag i-process ang pagpapalaya sa Amerikanong sundalo hanggat walang clearance ang korte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakatanggap siya ng text message mula kay Bantag at ipinaalam ang naging utos sa kanya ng DOJ.

“Just in, I received a text from our BuCor Chief “Sir advise ng DOJ hindi ipa-process ang release, this is referring to Pemberton since there was an MR filed and we’ll just wait for the resolution of the MR sir, galing yan kay Bucor Chief Bantag,” ani Roque.

Dahil dito, nanawagan ang kalihim sa Armed Forces of the Philippines na huwag mulang palabasin si Pemberton hanggat walang resolution ang korte sa isinampang motion for reconsideration ng mga abogado ng pamilya ni Jennifer Laude.

“So General Arevalo, please await resolution of the MR before releasing Pemberton,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

The post Paglaya ni Pemberton hinarang ng DOJ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *