Pagkumpuni ng MRT natengga

Inusog ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nakatakdang pagsasaayos ng mga riles ng tren na nakatakda sanang umpisahan sa Agosto.

pagkumpuni ng mrt natengga - Pagkumpuni ng MRT natengga
MRT 2 - Pagkumpuni ng MRT natengga

Inusog ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nakatakdang pagsasaayos ng mga riles ng tren na nakatakda sanang umpisahan sa Agosto.

Batay sa statement ng MRT-3, gagawin na sa October 10-11, October 31, November 1-2 at November 14-15 ang repair sa mga riles ng tren kung saan wala ring biyahe sa mga nasabing petsa.

Nakatakda sana ang pagkumpuni sa mga weekend ng Agosto at Setyembre subalit iniurong na lamang ang schedule dahil na rin sa rekomendasyon ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-DESP.

Kabilang na rin ang pagdami ng mga nagkakasakit ng COVID-19 na MRT-3 personnel na kung saan nasa mahigit 200 ang nagpositibo sa virus. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *