Pagkontrol sa bidding ng Meralco kinondena

KINONDENA ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang pagtanggi ng Meralco na baguhin ang ‘bidding terms’ at gawing malaya ang pamamaraan na hindi sobra-sobra ang pagpabor sa Atimonan I na pag-aari nito.

pagkontrol sa bidding ng meralco kinondena - Pagkontrol sa bidding ng Meralco kinondena
neri 1 - Pagkontrol sa bidding ng Meralco kinondena

KINONDENA ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang pagtanggi ng Meralco na baguhin ang ‘bidding terms’ at gawing malaya ang pamamaraan na hindi sobra-sobra ang pagpabor sa Atimonan I na pag-aari nito.

Sinisi ni Colmenares ang Department of Energy sa pag-amyenda nito ng kanilang patakaran na umatras ito sa isang katayuang taga­pagmasid at pabayaan na lamang ang Meralco na kontrolin ang kabuuang ‘bidding procedure’.

“The people won a major victory in the case of Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Inc. vs Energy Regulatory Commission (ERC) when the Supreme Court ordered that all supply contracts of Distribution Utilities (DUs) like Meralco should undergo bidding,” saad pa ni Colmenares.

Kamakailan, naghain ng petisyon si Colmenares kasama si Representative Carlos Zarate na humihiling na isang independent third party, at hindi ang Meralco, ang siyang mangangasiwa sa ‘bidding procedure’.

Aniya, upang masigurong walang magaganap na ‘sweetheart deals’, hiniling ng mga konsyumer na pagbawalan ang ginagawang pamimili ng Meralco ng kanilang sariling ‘supplier’ o tagapagtustos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *