Pagkamatay ni Dormitorio wa epek sa PMA recruitment

FORT DEL PILAR, Baguio City — Naniniwala ang Philippine Military Academy (PMA) na hindi makakaapekto sa kanilang mga susunod na recruitment ang pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

pagkamatay ni dormitorio wa epek sa pma recruitment - Pagkamatay ni Dormitorio wa epek sa PMA recruitment
2019 Abante PMA - Pagkamatay ni Dormitorio wa epek sa PMA recruitment

FORT DEL PILAR, Baguio City — Naniniwala ang Philippine Military Academy (PMA) na hindi makakaapekto sa kanilang mga susunod na recruitment ang pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Ito ang sinabi ni Major Reya­nan Afam, tagapagsalita ng PMA, dahil sinisiguro umano nila na patuloy ang kanilang ginagawang “preventive measure” sa insidente ng ha­zing sa pangunahing military school sa bansa.

“Sa tingin po namin, hindi naman maapektuhan nito. Ina-assure po namin lahat ng mga pamilya, lahat ng mga magulang na isa-isa po naming inaalagaan ang kanilang mga anak dito sa PMA,” paninigurong paha­yag ni Afam sa panayam ng media kahapon.

Sinabi pa ni Afam na bilang pagsunod sa utos ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ay patuloy ang kanilang isinasagawang physical check-up sa may 300 plebo o 4th class cadet upang malaman kung mayroon pa sa mga ito ang may mga tama sa katawan sa pamamagitan ng hazing matapos ang pagkamatay ni Dormitorio nitong Setyembre 18.

Subalit depensa ng opisyal na ginagawa na rin umano nila ang pagsasailalim sa medical check up ng mga kadete bago pa man mangyari ang pagkamatay ni Dormitorio.

Hindi naman nito isiniwalat ang medical finding sa mga plebo dahil ang mga mataas na opisyal na lang ng PMA ang bahalang magbigay ng pahayag hinggil sa usapin.

“It’s one of the preventive measures of the command and an instruction of the higher headquarters. Kasama po ‘yun sa mga ginagawa ng PMA para lalong mapangalagaan at mamonitor ang ating mga kadete,” paliwanag ni Afam.

Sinabi din nito na sa ngayon ay balik na sa normal ang situwasyon sa PMA matapos ang kontrobersyal na pagkamatay ni Dormitorio bagama’t nagluluksa pa rin sila sa pangyayari.

Nananatiling mataas pa rin umano ang morale ng mga kadete ng PMA sa kabila ng pangyayari. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *