Pagholdap sa gas station nabulilyaso, suspek huli

Naudlot ang tangkang panghoholdap ng dalawang suspek matapos makatunog ang gasoline boy sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek na umaaligid sa Fil Oil gas station sa Eusebio Ave. Brgy. San Miguel Pasig City, kahapon nang madaling-araw.

pagholdap sa gas station nabulilyaso suspek huli - Pagholdap sa gas station nabulilyaso, suspek huli
huli 1 - Pagholdap sa gas station nabulilyaso, suspek huli

Naudlot ang tangkang panghoholdap ng dalawang suspek matapos makatunog ang gasoline boy sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek na umaaligid sa Fil Oil gas station sa Eusebio Ave. Brgy. San Miguel Pasig City, kahapon nang madaling-araw.

Nakilala ang naarestong suspek na si Michael Angelo Gabay y Magnipis, 32-anyos, residente ng Phase 3 Villa Cuana, Brgy. Pinagbuhatan Pasig City habang nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang kasama nito.

Ayon kay PCol. Moises Villaceran, hepe ng Pasig Police, naganap ang pag-aresto alas-4:20, Martes nang madaling-araw sa FilOil gas station sa Brgy. San Miguel Pasig City.

Napansin umano ni Joseph Hernandez, pump attendant ang kahina-hinalang kilos ng dalawang lalaki na matagal nang umaaligid sa gasolinahan kaya sa pangamba ay agad na ipinaaalam sa nagpapatrolyang pulis.

Nang aktong lalapitan ng mga suspek ay agad na tumakbo ang dalawa at doon na nalambat si Gabay habang nakatakas naman ang kasabwat nito.

Nakumpiska mula sa Gabay ang isang revolver na baril at apat na bala at kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *