Paggamit ng Dengvaxia tatalakayin sa Cabinet meeting

dengvaxia

Pag-aaralan pa ng hanggang may sampung araw bago makapag desisyon ang pamahalaan kung dapat pa ba na gamitin muli ng pamahalaan ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia, kasunod na rin nang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

paggamit ng dengvaxia tatalakayin sa cabinet meeting - Paggamit ng Dengvaxia tatalakayin sa Cabinet meeting
dengvaxia6 - Paggamit ng Dengvaxia tatalakayin sa Cabinet meeting

Pag-aaralan pa ng hanggang may sampung araw bago makapag desisyon ang pamahalaan kung dapat pa ba na gamitin muli ng pamahalaan ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia, kasunod na rin nang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga gabinete ang isyu.
Ayon kay Duque , na sang-ayon siya sa posisyon ng Malacañang na kailangan pa ng maraming pag-aaral kung papayagan nga bang maibalik sa merkado ang naturang bakuna.

Bukod pa sa kailangan rin na maghintay karagdagang mga impormasyon kaugnay sa bakuna.

Nalaman na sa mga pribadong pasyente lang irekomenda ang paggamit ng Dengvaxia, gaya nang ginagawa sa Thailand, Indonesia at Singapore upang maiwasan ang tinatawag na ‘severe dengue reaction’ na maaaring mangyari kung mabibigyan ng naturang bakuna, ang mga taong hindi pa tinamaan ng dengue.

“Ito ay kinakailangang may doktor, may monitoring na talagang mas masusundan ng doktor yung kondisyon ng pasyente o ng kung sino man yung matuturukan for what is known as adverse event following immunization,”ayon kay Dengue.

Una nang nagdeklara na si Duque ng ‘National Dengue Alert’ dahil sa pagdami ng kaso ng dengue sa bansa.

Nalaman na mahigit 130,000 kaso ng dengue ang naitala ng DOH sa buong bansa, mula Enero hanggang kalagitnaan ng buwan ng Hulyo o halos doble sa mga kasong naitala nila sa nakalipas na taon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *