Pagcor barya lang kinita sa POGO

Pagcor barya lang kinita sa POGO

KAKARAMPOT lang ang kinikita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) mula sa offshore gaming na pangunahing dahilan ng pagdagsa ng mga Chinese sa bansa.

The post Pagcor barya lang kinita sa POGO appeared first on Abante News Online.

pagcor barya lang kinita sa pogo - Pagcor barya lang kinita sa POGO
pagcor - Pagcor barya lang kinita sa POGO

KAKARAMPOT lang ang kinikita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) mula sa offshore gaming na pangunahing dahilan ng pagdagsa ng mga Chinese sa bansa.

Ayon sa 2018 Annual Audit Report sa Pagcor, P67.8 bilyon ang kinita nito sa gaming operations at P6.1 bil­yon lang ang galing sa offshore ga­ming o Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO). Noong 2017, P3.1 bilyon lang ang kinita ng Pagcor sa offshore gaming.

Sa lahat ng kita ng Pagcor sa sugal, sa electronic gaming machine pa rin ang pinakamalaki na nagpasok ng P24.8 bilyong kita sa Pagcor, sumunod ang mga lisensiyadong mga casino na P24.1 bilyon ang pinasok sa Pagcor.

Umabot naman sa P11.8 bil­yon ang kita ng Pagcor mula sa mga table game at isang bilyong piso ang kita nito galing sa in-house bingo.

Ang mga pasugalan ang nagdadala ng pinakamalaking kita sa Pagcor. Sa P71.2 bilyong total service and business income, P67.8 bilyon ang mula sa gaming operations at P1.8 bilyon lamang ang galing sa service income tulad ng processing, licensing, registration fees at mga fines and penalties.

Mandato ng Pagcor ang i-regulate ang mga sugal o ang mga tinatawag na games of chance tulad ng casino sa bansa, tumulong pasiglahin ang turismo sa bansa, at magkalap ng pondo para sa socio-civic at national development efforts ng pamahalaan. (Eileen Mencias)

The post Pagcor barya lang kinita sa POGO appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *