Pagbuhay ng peace talk nakasasalay sa back channeling — Duterte

NAKASASALAY sa magiging resulta ng back channeling talks ang pag-asang muling mabuksan ang usapang kapayapaan sa Kilusang Komunista.

The post Pagbuhay ng peace talk nakasasalay sa back channeling — Duterte appeared first on Abante News Online.

pagbuhay ng peace talk nakasasalay sa back channeling duterte - Pagbuhay ng peace talk nakasasalay sa back channeling — Duterte
duterte 12 1 - Pagbuhay ng peace talk nakasasalay sa back channeling — Duterte

NAKASASALAY sa magiging resulta ng back channeling talks ang pag-asang muling mabuksan ang usapang kapayapaan sa Kilusang Komunista.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng deadlock sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa oath taking ni Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte, Biyernes nang gabi na hindi siya sigurado kung may tsansang mag-usap muli ang gobyerno at ang kilusang komunista.

Muling iginiit ng Presidente na kailangang magdeklara ng ceasefire ang mga NPA at itigil ang extortion activities bago pag-usapan ang mu­ling pagbubukas ng peace talks.

“Itong komunista, I don’t know if there is a chance of talking again. Maybe yes, maybe no. Depende na lang sa back channeling natin. But one thing is clear, again I restate: You have to declare a ceasefire and you have to stop collecting money from the people and from the businessmen,” anang Pangulo.

Sakaling magkasundo, sinabi ng Pangulo na ibo-book niya ang mga negosyador sa isang hotel sa Davao City na iniiwasan ng mga Davaeño at maging si Ramon Tulfo dahil aniya sa mga multo para multuhin ang mga ito.

“I will sponsor your billeting and hotel. Gusto ninyo diyan sa Insular kay maraming multo ‘yang mga kuwarto diyan. A lot of Davaeños and sumuko diyan pati si Tulfo, Ramon matapang-tapang naman ‘yan, tapos nagkuyos ‘yung… maybe the souls of the devil there or the fallen angels are there to shake you up,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang tinuldukan ng Pa­ngulo ang peace talks sa CPP-NPA-NDF dahil sa patuloy na opensiba habang nag-uusap ang mga negosyador. (Aileen Taliping)

The post Pagbuhay ng peace talk nakasasalay sa back channeling — Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *