Pagbubuwis batay sa GIE binasura ng Kamara

Dagdag buwis sa alak habol sa Pasko

SA wakas, mawawala na ang sistema sa pagbubuwis batay sa ‘gross income earned’ (GIE) kapag naisabatas na ang panukalang ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationa­lization Act (CITIRA o HB 4157) na ipinasa ng Kamara kamakailan sa botong 170, kumpara sa walong kontra at anim na hindi bumoto.

pagbubuwis batay sa gie binasura ng kamara - Pagbubuwis batay sa GIE binasura ng Kamara
kamara 2 - Pagbubuwis batay sa GIE binasura ng Kamara

SA wakas, mawawala na ang sistema sa pagbubuwis batay sa ‘gross income earned’ (GIE) kapag naisabatas na ang panukalang ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationa­lization Act (CITIRA o HB 4157) na ipinasa ng Kamara kamakailan sa botong 170, kumpara sa walong kontra at anim na hindi bumoto.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, House ways and means committee chair at isa sa pangunahing may-akda ng HB 4157, “ang GIE ang nanay ng mga abusadong ‘transfer pricing’ na dahilan ng pagkawala ng P296 bilyong dapat binayarang buwis sa pamahalaan sa nakaraan.”

“Payag ang Kamara na babaan ang ‘corporate income tax rates’ bilang insentibo para sa mga kuwalipikadong negosyo, tahasan nitong inaayawan ang dalawang magkasabay na sistema sa pagbubuwis — ang GIE para sa mga may insentibo, at ang karaniwang batayan nito, ang kita,” paliwanag ni Salceda.

Ang CITIRA ang buod at ikalawang ‘package’ ng ‘Comprehensive Tax Reform Program’ ng administrasyon. Itina­laga ito ni Pangulong Duterte bilang tampok na tugon sa ‘US-China trade war’.

Ayon kay Salceda, sa ilalim ng GIE, “napapaburan ang iilan at naaapi ang higit na maraming kompanya, lalo na ‘yung lumilikha ng mara­ming trabaho.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *