Pagbibitiw ni Piñol walang kinalaman sa korupsyon

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang isyu ng korupsiyon ang dahilan nang pagbibitiw ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

The post Pagbibitiw ni Piñol walang kinalaman sa korupsyon appeared first on Abante News Online.

pagbibitiw ni pinol walang kinalaman sa korupsyon - Pagbibitiw ni Piñol walang kinalaman sa korupsyon
Piñol binira sa pananakot sa pagkawala ng murang NFA rice - Pagbibitiw ni Piñol walang kinalaman sa korupsyon

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang isyu ng korupsiyon ang dahilan nang pagbibitiw ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Wala rin aniyang kinalaman ang krisis sa bigas sa pagsumite ng courtesy resignation ni Piñol noong Huwebes.

Sinabi ng Pangulo na kailangan niya ang isang timon sa Mindanao kaya ilalagay niya si Piñol bilang pinuno ng Mindanao Development Authority.

Binigyang-diin ng Presidente na masaya siya sa pamamalakad ni Piñol sa Department of Agriculture at hindi ito corrupt, at ang tanging maipipintas lamang aniya sa kalihim ay ang pagiging madaldal nito.

“Corruption, wala. It is not corruption, he is not corrupt, he’s just talkative,” anang Pangulo.

Kakausapin aniya ng Presidente si Bangsamoro Autonomous Region interim Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim bago tanggapin ang resignation ni Piñol.

Nais ng Pangulo na pa­ngunahan ni Piñol ang pagpapaunlad sa Mindanao dahil malaking bentahe ang pagiging Mindanaoan nito para maisulong ang mga programang pang-kaunlaran sa rehiyon. (Aileen Tali­ping/Prince Golez)

The post Pagbibitiw ni Piñol walang kinalaman sa korupsyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *