Pagbenta sa 4 Japan property ng gobyerno inawat

Dapat tutulan ng Kongreso ang planong pagbebenta ng apat na ari-arian ng Pilipinas sa Tokyo at Kobe, Japan.

The post Pagbenta sa 4 Japan property ng gobyerno inawat first appeared on Abante.

pagbenta sa 4 japan property ng gobyerno inawat - Pagbenta sa 4 Japan property ng gobyerno inawat
ph and japan - Pagbenta sa 4 Japan property ng gobyerno inawat

Dapat tutulan ng Kongreso ang planong pagbebenta ng apat na ari-arian ng Pilipinas sa Tokyo at Kobe, Japan.

Sa House No. 1220 na inihain ni Rodriguez, hiniling nito sa Kongreso tutulan ang panibagong plano at huwag hayaan ang Malacañang na bitawan ang naturang assets na nakuha ng Pilipinas mula sa Japan sa ilalim ng reparations agreement noong Mayo 9, 1956.

Dalawa umano sa naturang ari arian ay matatagpuan sa Roppongi at Nampedai districts sa Tokyo, habang ang dalawa ay makikita naman sa Kobe.

Ang kikitain sa nasabing bentahan ay sinasabing pambayad sa veterans’ pension.

Tinukoy pa ni Rodriguez ang naging rebelasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na planong gamitin ang benta mula sa planong pagbebenta ng ari arian bilang huling pagkukunan ng retirement fund dahil kinakapos na ng pondo ang ilang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon pa sa kongresista na nagdesisyon na ang Supreme Court na anumang pagkilos ukol dito ay dapat awtorisado at aprubado ng isang batas na pinagtibay ng Kongreso at kailangan ang pagsang ayon ng ehekutibo at lehislatura.(Eralyn Prado)

The post Pagbenta sa 4 Japan property ng gobyerno inawat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *