Pagbawi sa 102B nakaw ni Marcos, 11 crony binasura

DALA ng kawalan ng sapat na ebidensya, binasura ng Sandiganbayan ang P102 bil­yong forfeiture case laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos gayundin sa 11 crony nito.

pagbawi sa 102b nakaw ni marcos 11 crony binasura - Pagbawi sa 102B nakaw ni Marcos, 11 crony binasura
ABANTE sandiganbayan - Pagbawi sa 102B nakaw ni Marcos, 11 crony binasura

DALA ng kawalan ng sapat na ebidensya, binasura ng Sandiganbayan ang P102 bil­yong forfeiture case laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos gayundin sa 11 crony nito.

Sa 67-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division, kulang ang ebidensyang inihain ng Presidential Commission on Good Go­vernment (PCGG) para idiin ang mga Marcos.

“Wherefore, premises considered, for failure of the plaintiff to prove by preponderance of evidence any of the causes of action against defendants of the case against them is hereby dismissed,” ayon sa desisyon.

Ayon sa Sandiganbayan, sa kabila ng inabot ng 30 taon ang PCGG para isampa ang kaso laban sa mga Marcos ay hindi pa rin nito naestablisa ang kaso.

“It saddens the Court that it took more than 30 years before this case is submitted for decision and yet, the prosecution failed to present sufficient evidence to sustain any of the causes of action against the remaining defendants,” nakasaad sa desisyon.

Bigo rin umano ang prosekusyon na patunayan na naging dummy ang mga crony ng mag-asawang Marcos upang magkamal ng nakaw na yaman kasama dito sina Rafael Sison, Placido Mapa, Jr., Don M. Ferry, Jose Tengco, Jr., Ramon Monzon, Generosa Olazo, Cynthia Cheong, Ma. Luisa Nograles, Leopoldo Vergara, Jose Africa at Rodolfo Arambulo.

Wala ring ebidensya para mapatunayan na may partisipasyon ang mag-asawa sa pagpapautang sa Aklan Bulk Carriers, Inc., Fuga Bulk Carriers, Inc., Coron Bulk Carriers, Inc., at Ecija Bulk Carriers, Inc., at paggamit ng kita mula sa RPN-9, IBC-13 at BBC-2 para sa kanilang personal na pakinabang gayundin ay nagpartisipa ang mga Marcos sa pagpapatayo ng California Overseas Bank.

“It is settled that in civil cases, the party making allegations has the burden of proving them by a preponderance of evidence. In addition, the parties must rely on the strength of their own evidence, not upon the weakness of the defense offered by their opponent,” ayon pa sa desisyon. (Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *