Pagbabago nakasalalay sa 61,843,750 botante

Sa araw ng eleksyon sa Mayo 13, muling gagamitin ng mahigit , 60 mil­yong rehistradong botante ang kanilang karapatan na bumoto at pumili ng mga bagong lider na inaakala nilang karapat-dapat na maging pinuno.

The post Pagbabago nakasalalay sa 61,843,750 botante appeared first on Abante News Online.

pagbabago nakasalalay sa 61843750 botante - Pagbabago nakasalalay sa 61,843,750 botante
boto 1 - Pagbabago nakasalalay sa 61,843,750 botante

Sa araw ng eleksyon sa Mayo 13, muling gagamitin ng mahigit , 60 mil­yong rehistradong botante ang kanilang karapatan na bumoto at pumili ng mga bagong lider na inaakala nilang karapat-dapat na maging pinuno.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, magkasamang talino at konsensya ang kailangang taglayin ng mga botante sa haharapin nilang mahala­gang desisyon dahil kinabukasan ng mga mamamayan at bayan ang nakasalalay sa kanilang magiging pasya.

Sa record ng komisyon, umaabot sa 61,843,750 ang mga rehistradong botante na lalahok sa midterm elections.

Sa nasabing bilang, 51% o katumbas na 31,816,797 ang mga babaeng botante samantalang 41% o katumbas na 30,026,953 naman ang mga lala­king botante.

Sinabi ni Jimenez na 31% o 18,847,230 mga rehistradong botante para sa 2019 midterm elections ay may edad 18 hanggang 29 na nabibilang sa kategorya ng mga millenial.

Samantala, umaabot naman sa 32% o 19, 911,867 ang mga botanteng may edad 30 hanggang 44.

May 28% o katumbas na 17,216,364 naman ang mga botanteng may edad na 45 hanggang 64 at ang natitirang 9% ay mga senior citizen na botante na may edad 65 pataas.

The post Pagbabago nakasalalay sa 61,843,750 botante appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *