Pagawaan ng pekeng COVID test sinalakay, 9 arestado

Kalaboso ang siyam na suspek matapos salakayin ang isang pagawaan ng mga pekeng dokumento gaya ng resulta ng COVID-19 test sa Mendoza St., Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

The post Pagawaan ng pekeng COVID test sinalakay, 9 arestado first appeared on Abante.

pagawaan ng pekeng covid test sinalakay 9 arestado - Pagawaan ng pekeng COVID test sinalakay, 9 arestado
abante fake - Pagawaan ng pekeng COVID test sinalakay, 9 arestado

Kalaboso ang siyam na suspek matapos salakayin ang isang pagawaan ng mga pekeng dokumento gaya ng resulta ng COVID-19 test sa Mendoza St., Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PLt. Col. John Guiagui, commander ng Manila Police District-Police Station 3 (MPD-PS3), ang mga nadakip na sina Rommel, 38; Randrex, 34; at Richelle Gonzales, 38; Elizabeth Raposas, 41; Mary Jean Guban, 30; Rose Marie Saludo, 32; Maricar Pabello, 33; Robert Sas, 20; at Ric, 17, ‘di tunay na pangalan.

Ang mga nabanggit ay sangkot sa paggawa ng mga pekeng government document at medical certificate gaya ng rapid test result.

Nakatanggap ng impormasyon ang MPD-PS3 kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek kaya isang pulis ang nagpanggap na magpapagawa ng dokumento at nagtungo sa naturang pagawaan na matatagpuan sa RBG motorcycle parts and accessories.

Nabatid na P300 hanggang P500 ang singil ng mga suspek sa mga pinagagawang pekeng dokumento sa kanila.

Alas-4:00 ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ni Guiagui ang lugar at tumambad sa kanila ang mga computer na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng dokumento.

Nakadetine ngayon sa MPD-PS3 ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa falsification and use of falsified document. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Pagawaan ng pekeng COVID test sinalakay, 9 arestado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *