Pag-aaral sa pinaiksing 35-hour work week, inilabas

Inilabas ni Albay Rep. Joey Salceda ang ulat ng kanyang pananaliksik kaugnay ng panukala niyang iksian ang bilang ng lingguhang oras ng trabaho ng mga manggagawa sa pamahalaan at pribadong sektor, at gawing 35 na lamang ito mula sa 40 oras “para pabutihin ang antas ng buhay, ‘productivity’ at kaga­lingan sa bansa.”

The post Pag-aaral sa pinaiksing 35-hour work week, inilabas appeared first on Abante News Online.

pag aaral sa pinaiksing 35 hour work week inilabas - Pag-aaral sa pinaiksing 35-hour work week, inilabas
work from home - Pag-aaral sa pinaiksing 35-hour work week, inilabas

Inilabas ni Albay Rep. Joey Salceda ang ulat ng kanyang pananaliksik kaugnay ng panukala niyang iksian ang bilang ng lingguhang oras ng trabaho ng mga manggagawa sa pamahalaan at pribadong sektor, at gawing 35 na lamang ito mula sa 40 oras “para pabutihin ang antas ng buhay, ‘productivity’ at kaga­lingan sa bansa.”

Pinamagatang “Improving Quality of Life, Productivity and Sustainable Consumption by Redu­cing Hours at Work,” inihayag ng ulat ang mga nagaganap na mga pagbabago sa ‘global labor market’ at inihambing sa sitwasyon sa bansa.

Ang ulat ay bilang suporta sa House Bill 9183 at 9184 na nauna nang inihain ng mambabatas sa Kamara na kapwa isinusulong ang higit na maiksing lingguhang oras ng trabaho. Inaa­sahang magiging daan ito para makasabay ang Pilipinas sa pandaigdigang pagbabago sa paggawa bunga ng mga makabagong teknolohiya at mapainam ang buhay ng mga empleyado.

Sa mga pag-aaral, tinitiyak na maraming mababago sa sistema ng paggawa sa hinaharap at mapapalitan na ang gawaing pauli-ulit, kaya kailangang paghandaan din ito ng gobyerno.

Sa Pilipinas, ayon kay Salceda, ang pinaiksing bilang ng lingguhang oras ng trabaho ay tiyak na tugon sa kakulangan sa oras ng mga empleyado sa biyahe sa pagpasok, sa mga ugnayan, “at pagtext, pagsagot sa cellphone at email na bahagi na ng normal  nating buhay na nakababawas pa sa oras para sa mga gawain bahay, lalo ng mga kababaihan, pauwi mula sa trabaho.”

The post Pag-aaral sa pinaiksing 35-hour work week, inilabas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *