Pacquiao ginulpi sa twitter survey

GUSTO lang malaman ni ­Senador Manny Pacquiao kung sino ang dapat niyang makalaban sa susunod na laban.

The post Pacquiao ginulpi sa twitter survey appeared first on Abante News Online.

pacquiao ginulpi sa twitter survey - Pacquiao ginulpi sa twitter survey
manny 12 - Pacquiao ginulpi sa twitter survey

GUSTO lang malaman ni ­Senador Manny Pacquiao kung sino ang dapat niyang makalaban sa susunod na laban.

Sumagot naman ang mga netizen sa survey sa Twitter kung sino ang kanilang napupusuan, subalit marami ang nag-post ng masasakit na komento laban sa fighting senator.

Sa Twitter account ng ‘Pambansang Kamao,’ nagpa-poll ito kung sino ang dapat niyang sunod na kalabanin matapos patumbahin si Lucas Matthysse para maging World Boxing Association (WBA) welterweight champion at dominahin si Adrien Broner noong Enero.

Sa nasabing poll, angat ang pangalan ng dati nang nakasagupa na si Floyd Mayweather Jr. na nakakuha ng 73 percent sa lampas 80,000 na bumoto. Ang iba pang nakasama ay sina Keith Thurman, Danny Garcia at Shawn Porter.

Ngunit bukod sa mga kila­lang boksingero, ilang mga isyu ang lumabas na para sa ilang mga netizen ay ang dapat sunod na labanan ng 40-anyos na mambabatas.

“Pwede po ba injustice and corruption, SENATOR?” ayon kay @Wreck_It_Raph_.

“Fight for the sovereignty of our country in the west PH. sea, and the human rights in the PH,” ani @iamhandsama.
“Dishonesty. Especially of public officials who promises one thing when they are candidates only to forget them when they become public officials. ­Example, quitting boxing should they win a seat in the Senate,” ayon kay @DeeJayBee42.

May iba pang nagkomento na ang labanan na lang niya ay sina Duterte, Sotto at Trillanes.
Ang iba namang miron, ­hiling na sana’y magretiro na si ‘Pac-Man’ dahil tila nawiwili na ito sa pagboboksing maliban sa kanyang mga trabaho sa Senado.

“Retire batugan sa ­Senado,” patama naman ni @Lakan_Kildap.

“Sana hindi ka tumakbo sa senado tutal puro boxing lang naman pala ang gagawin mo. Nakakayamot ka sir. PS Andami mong time ha,” giit naman ni @1gjgo.

Noong 2018, si Pacquiao ang pangalawa sa may pinakamaraming absences sa second regular sesyon ng Senado, 64 ang nadaluhan sa 79 session day.

The post Pacquiao ginulpi sa twitter survey appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *