Pacquiao balik-‘Pinas, pinarangalan ng Senado

Pacquiao balik-‘Pinas, pinarangalan ng Senado

INAPRUBAHAN ng Senado ang reso­lusyon sa pagbati at papuri kay Senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao dahil sa kanyang panalo laban kay World Boxing Association (WBA) Super Welterweight Champion Keith Thurman sa Las Vegas, Nevada noong Sabado (Linggo sa Maynila).

The post Pacquiao balik-‘Pinas, pinarangalan ng Senado appeared first on Abante News Online.

pacquiao balik pinas pinarangalan ng senado - Pacquiao balik-‘Pinas, pinarangalan ng Senado
manny 18 - Pacquiao balik-‘Pinas, pinarangalan ng Senado

INAPRUBAHAN ng Senado ang reso­lusyon sa pagbati at papuri kay Senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao dahil sa kanyang panalo laban kay World Boxing Association (WBA) Super Welterweight Champion Keith Thurman sa Las Vegas, Nevada noong Sabado (Linggo sa Maynila).

Ang papuri at komendasyon kay Pacquiao ay hango sa mga resolus­yong inihain nina Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Ramon Bong Revilla Jr., Juan Miguel Zubiri, Nancy Binay at Richard Gordon.

“His victory is the victory of the whole nation. His life story, hard work and dedication to serve God and the People is an inspiration to all Filipinos,” paliwanag ni Go sa isang Senate Resolution No. 20.

“Muli mo na namang naipakita sa buong mundo ang galing ng Pinoy sa larangan ng sports. Maraming sala­mat sa patuloy na pagbibigay mo ng karangalan sa bansa. Mabuhay ka, Pambansang Kamao!” dagdag nito.

Sabi naman ni Sen. Lito Lapid, “Taos-puso pong pagbati kay Senator Manny Pacquiao sa isa na namang pagpapamalas ng galing ng Pinoy sa buong mundo!”

“Hanga kami sa iyong determinasyon, dedikasyon at pagmamahal sa bayan Sen. Manny, at patuloy na­ming ipagdarangal ang tawagin kang People’s Champ!” dagdag nito.

Nagpasalamat naman si Pacquiao sa kanyang mga kasamahan sa Senado. Naniniwala din siyang wala nang ibang katulad niyang susulpot, pero marami namang magagaling na boksingero ang naghihintay lang ng pagkakataon na matuklasan ang kanyang angking galing.

“There are many who say that there won’t be another Manny Pacquiao. But I believe that we have many boxers who are just waiting for an opportunity, waiting for our help. It is high time for us to invest on our boxing talents who are loaded with potentials. The so-called diamond in the rough can just be around the corner,” saad ng Pambansang Kamao na nitong alas-12:30 nang hatinggabi ng Martes lang nakabalik sa Pilipinas.

Nanawagan din ito sa pagpapatibay ng Philippine Boxing at Combat Sports Commission. Sa paglikha ng nasabing komisyon, ang Pilipinas ay maaaring ituring na boxing at combat sports capital ng Asya.

“I am ready to work with all of you in overcoming the challenges in the 18th Congress. Together as cham­pions of the Filipino people, we shall emerge victorious and continue our fight for the country,” dagdag ni Pacquiao. (Dindo Matining)

The post Pacquiao balik-‘Pinas, pinarangalan ng Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *