Pacquaio kay Duterte: Duque tsugiin na!

Dapat umanong ikonsidera na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibitiw sa kanyang puwesto para hindi masira ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa giyera kontra COVID-19, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

The post Pacquaio kay Duterte: Duque tsugiin na! first appeared on Abante.

pacquaio kay duterte duque tsugiin na - Pacquaio kay Duterte: Duque tsugiin na!
ABANTE Duque 1 - Pacquaio kay Duterte: Duque tsugiin na!

Dapat umanong ikonsidera na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibitiw sa kanyang puwesto para hindi masira ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa giyera kontra COVID-19, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

“Napapahiya ang ating Pangulo, pagka ganu’n. Sa akin lang, for delicadeza, voluntary resigning na lang siya (Duque) ito lang ang problema, kapalpakan ni Duque, pahayag ni Pacquiao sa panayam sa ANC.

“Sayang, dapat this January may vaccine na tayo, ‘yung Pfizer, but masasabi natin na talagang kapalpakan ‘yan ng ating DOH, si Secretary Duque,” dagdag nito.

Ilang beses naman ipinagtanggol ni Duterte si Duque sa kabila nang kaliwa’t kanang pagkukulang nito sa kanyang trabaho.

Umapela naman si Pacquaio kay Duterte na tuluyan nang sibalikin si Duque.

“Ang pakiusap ko kay Pangulo, kung puwede palitan na lang niya si Secretary Duque para maibsan naman ‘yung hinaing ng ating mga kababayan,” pakiusap ni Pacquiao sa president.

Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na darating na sa bansa ang 10 milyong Pfizer vaccine sa Enero kung hindi ilang ito pinakiaalamn ng isang opisyal ng gobyerno.

(Dindo Matining)

The post Pacquaio kay Duterte: Duque tsugiin na! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *