Pacman uunahan mahihirap sa Sinovac vaccine

Nakahanda si Senador Manny Pacquiao na maunang magpabakuna ng COVID-19 vaccine kahit na gawa pa ito sa Chinese pharmaceutical firm Sinovac Biotech.

The post Pacman uunahan mahihirap sa Sinovac vaccine first appeared on Abante.

pacman uunahan mahihirap sa sinovac vaccine - Pacman uunahan mahihirap sa Sinovac vaccine
manny 1 1 - Pacman uunahan mahihirap sa Sinovac vaccine

Nakahanda si Senador Manny Pacquiao na maunang magpabakuna ng COVID-19 vaccine kahit na gawa pa ito sa Chinese pharmaceutical firm Sinovac Biotech.

“Pag na-approve na yang vaccine, pag may vaccine na, ako muna magpa-vaccine para bago ang sambayanang Pilipino—bago yung mahihirap,” pahayag ni Pacquiao sa ANC.

“Willingly, ako unang magpa-vaccine bago i-vaccinate yang mga tao,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni COVID-19 policy chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na maaring ang Sinovac vaccine ang unang dumating sa bansa sa 2021.

Subalit kinuwestiyon ng ilan ang kaligtasan at kahusayan ng Sinovac vaccine matapos iulat ng Washingtong Post na may record ang naturang kompanya na nanunuhol sa Chinese drug regulator para makuha ang approval ng nasabing bakuna.(Dindo Matining)

The post Pacman uunahan mahihirap sa Sinovac vaccine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *