PACC chief kinalampag sa kinakaharap na kasong korapsyon

Binatikos si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica kaugnay sa akusasyon nito sa mga mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

The post PACC chief kinalampag sa kinakaharap na kasong korapsyon first appeared on Abante.

pacc chief kinalampag sa kinakaharap na kasong korapsyon - PACC chief kinalampag sa kinakaharap na kasong korapsyon
abante Greco Belgica - PACC chief kinalampag sa kinakaharap na kasong korapsyon

Binatikos si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica kaugnay sa akusasyon nito sa mga mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Alexander Sablan, dating pangulo ng United Workers of Duty Free Philippines, dapat manalamin muna itong si Belgica na nahaharap sa kasong katiwalian sa halip na akusahan ng walang basehan ang mga mambabatas.

“Sana bago siya nambato ng putik, tinignan niya muna ang sarili niya sa salamin,” ayon sa dating lider ng employees union.

Sa halip daw na magpalabas ng mga pangalan ng mambabatas na wala naman umanong basehan, mas nararapat daw na sagutin ni Belgica ang mga paratang laban sa kanya.

“Mas malaki kasi ang istorya na ‘yung opisyal ng anti-corruption agency, sabit sa korapsyon,” giit ni Sablan.

Matatandaang sinampahan ng grupo ni Sablan ng kasong graft and corruption si Belgica sa Office of the Ombudsman dahil umano sa pagbalewala ni Belgica sa kanilang reklamo sa PACC laban sa katiwalian sa loob ng Duty Free Philippines.

“Niligaw ni PACC Commissioner Greco Belgica ang pangulo at ang taong bayan sa listahan ng mga mambabatas na ibinigay niya para lang pagtakpan ang korapsyon isyu laban sa kanya,” ani Sablan.

The post PACC chief kinalampag sa kinakaharap na kasong korapsyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *