PACC bubusisiin Manila Bay ‘white sand’

Sinimulan na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pagsasagawa ng fact-finding inquiry sa Manila Bay rehabilitation project na nagdulot ng pangamba sa environmental and health concerns ng ilang grupo.

The post PACC bubusisiin Manila Bay ‘white sand’ first appeared on Abante.

pacc bubusisiin manila bay white sand - PACC bubusisiin Manila Bay ‘white sand’
abante manila bay - PACC bubusisiin Manila Bay ‘white sand’

Sinimulan na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pagsasagawa ng fact-finding inquiry sa Manila Bay rehabilitation project na nagdulot ng pangamba sa environmental and health concerns ng ilang grupo.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, nakipag-coordinate na sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para magsumite ng dokumento kaugnay sa Manila Bay rehabilitation.

“Maraming mga bali-balita diyan na hindi naman nabi-verify pa and sinimulan po namin ang pagtatanong at pag-aalam,”ayon kay Belgica sa online press briefing ng Presidential Communications Operations Office-Office of the Global Media and Public Affairs.

“Pinakukuha namin ‘yung mga dokumento at paliwanag ng mga nag-implement nito DPWH, DENR. Kasi ‘yung pera kasi diyan, ‘yung project is DENR but implemented by DPWH. So tinitingnan namin lahat ‘yan and right now, hindi pa tapos ang aming fact finding,” paliwanag ni Belgica.

Titingnan maigi ni Belgica ang implementasyon ng Manila Bay project bago ito isailalim sa formal investigation.

Nabatid na ang cleanup and rehabilitation project ng Manila Bay ay naging usap-usapin dahil sa pagbuhos ng dinurog na dolomite rocks para maging white sand beach subalit natabunan naman ng maitim na buhangin nang bumuhos ang bagyo. (Vicky Aquino)

The post PACC bubusisiin Manila Bay ‘white sand’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *