Paano stay at home kung walang bahay? Demolisyon sa pandemya pinatitigil

Para sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), dapat munang suspendihin ang mga demolisyon sa panahon ng COVID-19 pandemic lalo’t delikadong mamalagi sa mga lansangan.

The post Paano stay at home kung walang bahay? Demolisyon sa pandemya pinatitigil first appeared on Abante.

paano stay at home kung walang bahay demolisyon sa pandemya pinatitigil - Paano stay at home kung walang bahay? Demolisyon sa pandemya pinatitigil
vitas - Paano stay at home kung walang bahay? Demolisyon sa pandemya pinatitigil

RP

Para sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), dapat munang suspendihin ang mga demolisyon sa panahon ng COVID-19 pandemic lalo’t delikadong mamalagi sa mga lansangan.

Ayon sa PCUP, nagpasa na sila ng papel sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para magbigay ng moratorium hingil sa mga demolisyon.

Nanawagan din si PCUP chairperson Alvin Feliciano sa panayam sa dzBB na itigil muna sana ang mga proyekto ng mga local at national government na makakaapekto sa mga tirahan ng mga informal settler.

“Sabi natin stay at home. Paano magiging stay at home ang isang urban poor at IFS (informal settler) kung wala na po itong tahanan,” lahad ni Feliciano.

Pinag-aaralan din ng PCUP kung pwedeng suspendihin din muna ang mga demolition project na nabigyan na ng court order.

Isa sa mga nademolis sa panahon ng pandemya ay ang mga tahanan sa loob ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City, kung saan tatayuan ang lupa ng hemodialysis center.

Naglabas na rin ng demolition order ang Maynila sa Vitas Tenement sa Tondo, kung saan binigyan ang mga residente ng 15 araw para makapaghanda.

The post Paano stay at home kung walang bahay? Demolisyon sa pandemya pinatitigil first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *