Pa-pizza ni sir sa nag-exam na mga estudyante viral sa FB

NAG-VIRAL sa Facebook ang gina­wang panlilibre ng isang guro sa kanyang mga estudyante ng pizza at soda float sa Zamboanga City.

pa pizza ni sir sa nag exam na mga estudyante viral sa fb - Pa-pizza ni sir sa nag-exam na mga estudyante viral sa FB
ABANTE 9 - Pa-pizza ni sir sa nag-exam na mga estudyante viral sa FB

NAG-VIRAL sa Facebook ang gina­wang panlilibre ng isang guro sa kanyang mga estudyante ng pizza at soda float sa Zamboanga City.

Humamig ng paghanga mula sa mga netizen ang mga larawang ipinost sa social media ng gurong si Arnulfo Burlas, Jr., o mas kilala bilang ‘Ser Jun’.

Nabatid na si Burlas ay nagtuturo sa Grade 7 sa isang pribadong paaralan sa lungsod at isa rin siyang arnis coach.

Noong Setyembre 18, binilhan niya ng soda float at pizza ang kaniyang mga estudyante na noon ay kumukuha ng pagsusulit.

Sinabi ni Burlas na nagsilbi rin itong motibasyon sa kaniyang mga estudyante, lalo na’t isa sa kanila ang nagdiriwang ng kaa­rawan noong araw na iyon.

“I want to motivate my student and nagkataon din na birthday ng isang estudyante, second reason is sa sobrang sakripisyo nila sa study, iyun din ang isang motivation natin,” ayon kay Burlas.

Ayon pa kay Burlas, bilang isang guro, dapat na magmalasakit din sa mga estudyante at pahalagahan ang mga sakripisyo ng mga ito na pumunta ng eskuwelahan para matuto. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *