P9M cocaine nasabat sa NAIA, Indonesian timbog

cocaine

ARESTADO ang isang Indonesian national matapos maharang ito ng mga tauhan ng Phippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa dala nitong higit isang kilong cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P8,781,570 mil-yon nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakalawa nang gabi.

The post P9M cocaine nasabat sa NAIA, Indonesian timbog appeared first on Abante News Online.

p9m cocaine nasabat sa naia indonesian timbog - P9M cocaine nasabat sa NAIA, Indonesian timbog
cocaine1 - P9M cocaine nasabat sa NAIA, Indonesian timbog

ARESTADO ang isang Indonesian national matapos maharang ito ng mga tauhan ng Phippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa dala nitong higit isang kilong cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P8,781,570 mil-yon nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakalawa nang gabi.

Ayon kay PDEA Deputy Task Group Commander NAIA-IADTG Jerald Javier nagsagawa sila ng random inspection sa arrival area sa mga pasahero nang upuan umano ng K-9 unit ang bagahe ng turista na nakilalang si Agus Burhan, 62-anyos, ng Bandung, Indonesia.

Sinabi ni Javier na nagkaroon umano ng switching ng bagahe mula sa pinanggalingan ng suspek kapalit ng pera at sinabi nito na ipinadala sa kanya para pang- regalo umano ang laman ng nasabing bagahe.

Nabatid din na si Agus ay bumiyahe mula Peru patungong Madrid via Doha, Qatar at sumakay ng Qatar Airways flight QR-932 na lumapag sa NAIA

Terminal 3 alas-sais nang hapon.Dagdag pa ni Javier, regular na ginagawa ng tauhan ng NAIA at PDEA ang inspeksiyon sa mga bagahe ng mga pasaherong aalis at dumadating sa bansa nang mabuking ang laman ng dalang bagahe ng dayuhan.

Nakatakdang sampahan ang nasabing dayuhan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Otto Osorio)

The post P9M cocaine nasabat sa NAIA, Indonesian timbog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *