P97M budget ng DILG pinalilipat sa Housing dept

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino ang realignment ng resettlement program fund sa ilalim ng panukalang 2021 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa bagong tatag na Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

The post P97M budget ng DILG pinalilipat sa Housing dept first appeared on Abante.

p97m budget ng dilg pinalilipat sa housing dept - P97M budget ng DILG pinalilipat sa Housing dept
DILG - P97M budget ng DILG pinalilipat sa Housing dept

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino ang realignment ng resettlement program fund sa ilalim ng panukalang 2021 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa bagong tatag na Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang P243 bilyong budget ng DILG para sa 2021, sinabi ni Tolentino kay Secretary Eduardo Año na ang P87.289-milyong alokasyon para sa Resettlement Government Assistance Fund (RGAF) ay may kinalaman sa pabahay at dapat umanong ibigay ito bilang dagdag pondo para sa kabubuo lamang na Housing Department.

Samantala, giniit din ni Tolentino sa budget hearing na dapat na rin mailipat mula DILG patungong DHSUD ang higit sa P10 milyong pondo para sa Muslim Resettlement Relocation Services Fund para sa mga napinsala ng digmaan sa Marawi City. (Dindo Matining)

The post P97M budget ng DILG pinalilipat sa Housing dept first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *