P900M sobrang binayad sa mga ospital nakalkal! PhilHealth scam tumibay sa COA report

TUMITIBAY na ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto ang mga ebidensya kaugnay sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

The post P900M sobrang binayad sa mga ospital nakalkal! PhilHealth scam tumibay sa COA report first appeared on Abante.

p900m sobrang binayad sa mga ospital nakalkal philhealth scam tumibay sa coa report - P900M sobrang binayad sa mga ospital nakalkal! PhilHealth scam tumibay sa COA report
abante philhealth 8 - P900M sobrang binayad sa mga ospital nakalkal! PhilHealth scam tumibay sa COA report

TUMITIBAY na ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto ang mga ebidensya kaugnay sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa panayam kahapon sa radyo ay nagpahayag ng kasiyahan si Sotto matapos na maglabas ng report ang Commission on Audit (COA) sa halos P1 bilyong sobrang ibinayad ng state health insurer sa mahigit 3,000 mga ospital.

“Nagpapalakas sa aming Senate committee of the whole (COA report). Natutuwa ako mga kababayan natin meron sa website namin binabasa nila. Nakita nila andun lahat ng mga sinabi namin, yang sinabi ng COA nagpapalakas sa findings namin,” reaksyon ni Sotto sa COA report sa paggastos ng PhilHealth sa kanilang pondo.

Para naman kay Senador Panfilo Lacson dapat gamitin ng PhilHealth Task Force ang COA report.

“Dapat gamitin ‘yan ng Task force… para pandagdag nila ‘di ebidensya kundi tulong sa kanilang investigation. Ang COA report, magiging aid ‘yan tulong yan sa investigation. Dapat backup-an nila kung ano ang mga items na yan, ang overpayment at kung mali ang paggamit ng pera. Magiging tulong lang ang COA report kasi may mga document din yan,”ayon pa kay Lacson.

“Ang P15B yan ang total na pinalabas, P14.9B. Di ibig sabihin lahat yan may anomalya. Ang anomalya lang sa IRM kasi hindi COVID-related, nag-release sila ng pondo. Kaya malversation matatawag dahil nga maliwanag sa IRM na COVID-related. Bakit ka namigay sa dialysis? Bakit ka namigay sa infirmary?”dagdag nito.

Nauna rito ay sinita ng COA ang P936M sobra- sobrang ibinayad ng PhilHealth sa may 312,577 health care institutions(HCIs) sa taong 2019.

Nakasaad sa annual report ng COA na malaki ang nawala sa mga member-patients ng PhilHealth habang ang nakinabang ng malaki ay ang mga HCIs.

Ipinaliwanag ng COA na nakita nila ang sobra sobrang binayad sa mga ospital nang busisiin ang sample claims ng may 312,577 HCIs at kinumpara ang mga package rate amounts ng mga hospitals at ang aktuwal na hospital charges at profession fees.

“The existing payment scheme is detrimental to PhilHealth’s interest as the Corporation incurred unnecessary expenses. The HCIs were the ones who benefitted from the excess payments while the member-patients were not able to avail the full benefits given by PhilHealth, which is not aligned with its program’s objective to increase financial risk protection for its member-patients,”ayon sa COA.

Ang mga overpayments sa mga hospital ay naitala sa National Capital Region, Rizal, CARAGA, Region 1, Region 8 at Region 9.

Sinabi ng COA na hindi matitigil ang overpayment ng PhilHealth sa mga HCIs kung hindi nito babaguhin ang guidelines sa All Case Rates at Z Benefit Claims package.

Sa panig ng PhilHealth sinabi ni PhilHealth deputy spokesperson Rey Balena na titingnan muna nila at pag-aaralan ang report ng COA bago magkomento sa isyu.(Tina Mendoza)

The post P900M sobrang binayad sa mga ospital nakalkal! PhilHealth scam tumibay sa COA report first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *