P8K swab test nasayang sa delayed flight: PAL-Lucio Tan ginalit mga OFW

HALOS manlumo sa iyak at galit ang mga overseas Filipino workers sa biglaang kanselasyon ng mga flight ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan dahil imbes na nakakapagtrabaho kaagad ay kailangan uli magbayad para sa swab test upang tanggapin sa destinasyong bansa.

The post P8K swab test nasayang sa delayed flight: PAL-Lucio Tan ginalit mga OFW first appeared on Abante.

p8k swab test nasayang sa delayed flight pal lucio tan ginalit mga ofw - P8K swab test nasayang sa delayed flight: PAL-Lucio Tan ginalit mga OFW
abante pal 1 - P8K swab test nasayang sa delayed flight: PAL-Lucio Tan ginalit mga OFW

HALOS manlumo sa iyak at galit ang mga overseas Filipino workers sa biglaang kanselasyon ng mga flight ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan dahil imbes na nakakapagtrabaho kaagad ay kailangan uli magbayad para sa swab test upang tanggapin sa destinasyong bansa.

“So frustrating PAL! Dapat hindi last minute ang cancellation ng flights specially sa destinations na required ang swab test result. It’s time/effort/money-consuming to schedule swab testing that will give 24 hrs result to comply sa within 72 hrs before departure only to be cancelled,” sabi ng netizen na si Joanne Melissa.

Aniya, P8,000 ang halaga ng rush a swab test at nasasayang lang ang perang binabayad kung uulit- ulitin dahil kinakansela ng PAL ang flight.

Sa tuwing nagkakansela ang PAL ng flight, hindi lang isang biyahe ang apektado. Nabati na nang nagkansela ang PAL ng flight nitong October 3 na Manila papuntang Riyadh ay nakansela rin ang flight na Riyadh pabalik ng Manila.

Naka-book sa flight na pabalik ng Manila naman ang kapatid ng netizen na si Toto Rakk at tatlong beses nang nakakansela ang flight ng kapatid. Ang pang-apat na schedule na ibinigay ng PAL sa kapatid ni Rakk ay sa October 8 na. Aniya, dinala ng Philippine embassy sa isang hotel ang mga pasahero ng flight na yon at yung mga sa Riyadh naman nagtratrabaho ay pinayuhang bumalik sa mga accommodations ng kanilang kompanya.

Isa lamang si Melissa sa maraming OFW na umaangal sa sinapit sa PAL.

Nitong Sabado, Oktubre 3 ay nasa 200 OFW ang na-stranded sa NAIA matapos ikansela ng PAL ang PR 654-Manila-Riyadh at PR 655-Riyadh-Manila.

Pare-pareho ng concern ang mga OFWs ang mae-expire ang resulta ng kanilang swab test pagdating sa Saudi at dagdag gastos ito sa kanila.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna na humingi ng pasensya sa mga apektadong pasahero, ang kanselasyon ng biyahe ay dulot ng airport slot restriction sa Saudi.

Umabot na sa P15.9-bilyon hinahabol na refund ng 1.3 milyong pasahero sa PAL as of September 19, 2020 dahil sa mga kanseladong flights.

Ayon sa PAL 15% ng regular flights nito ang naibalik na. (Eileen Mencias)

The post P8K swab test nasayang sa delayed flight: PAL-Lucio Tan ginalit mga OFW first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *