P70M sinayang ng Leyte LGU sa 37 basketball court – COA

Sinayang ng provincial government ng Leyte ang P70 milyong Development Fund (DF) sa pagpapagawa ng mga basketball court, ayon sa Commission on Audit (COA).

p70m sinayang ng leyte lgu sa 37 basketball court coa - P70M sinayang ng Leyte LGU sa 37 basketball court – COA
COA 1 - P70M sinayang ng Leyte LGU sa 37 basketball court – COA

Sinayang ng provincial government ng Leyte ang P70 milyong Development Fund (DF) sa pagpapagawa ng mga basketball court, ayon sa Commission on Audit (COA).

Binanggit ng COA na ang DF ay ginagamit lamang sa “development projects” kaya’t hindi kasama dito ang pagpapagawa ng basketball court, repair ng court flooring, goal at ilaw

Sa ilalim ng Section 287 ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991, bawat local government unit ay dapat maglaan ng 20 percent ng kanilang internal revenue allotment para sa development projects.

Nakapaloob din sa DILG-DBM Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2017-01 kung anong mga proyekto ang maituturing na “development projects.”

Sa 2018 annual audit report, natuklasan na ang Leyte provincial government ay gumamit ng DF para sa 37 programa na hindi maituturing na development projects alinsunod sa JMC.

Partikular na sinita ng COA ang 30 covered court na pinatayo at ginastugan ng P65.85 milyon noong 2017. Ang iba naman ay ginastos sa repair ng sahig, goal at ilaw ng basketball court.

Kabuuang P1.3 bilyon ang inilaan ng provincial government para sa development project pero P340.49 milyon lamang ang aktuwal na nagamit.

“The low utilization rate of the development fund connotes that the Province fell short in the implementation of the projects,”diin ng COA. “Consequently, delayed implementation and/or non-implementation of projects would deprive the constituents of the benefits that could be derived therefrom.”

Nagpaliwanag naman ang mga opisyal ng provincial government na hindi nila alam na ang proyekto tulad ng covered court, covered walk, basketball court/goal, perimeter fence ay hindi sakop ng JMC. Napondohan na umano nila ang proyekto bago ang miting nila sa COA noong Mayo 6,2018. (Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *