P63.4M marijuana binunot sa Benguet

P63.4M marijuana binunot sa Benguet

TINATAYANG aabot sa P63.4 milyong halaga ang nabunot at sinunog na marijuana sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Benguet, ayon sa Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor).

The post P63.4M marijuana binunot sa Benguet appeared first on Abante News Online.

p63 4m marijuana binunot sa benguet - P63.4M marijuana binunot sa Benguet
marijuana 7 - P63.4M marijuana binunot sa Benguet

TINATAYANG aabot sa P63.4 milyong halaga ang nabunot at sinunog na marijuana sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Benguet, ayon sa Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor).

Ayon sa PRO-Cor, nabunot at sinunog nito ang P11.2 milyong halaga ng marijuana sa magkakaibang plantation site sa mga bayan ng Kibungan, Mankayan, at Bakun, Benguet sakop ng Cordillera Administrative Region (CAR).

Nagresuta ito ng pagkabunot ng mahigit 8,300 fully grown marijuana plants, pagkasira ng 120 kgs marijuana stalks, 1 kilogram pinatuyong dahon ng marijuana, 100 piraso ng marijuana sticks, at 1,000 marijuana seedlings.

Ayon pa sa PRO-Cor, napaulat na kamakailan lamang ay binunot at sinira din ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ang may P49.6 milyong halaga ng fully grown marijuana plants sa Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Binunot at sinira din ng mga toridad ang P2.6 milyong halaga ng fully grown marijuana plants sa pagitan ng Sadanga, Mountain Province at Bugnay, Tinglayan. (Allan Bergonia)

The post P63.4M marijuana binunot sa Benguet appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *