P60K sweldo sa mga nurse hinirit sa Kongreso

Isang mambabatas ang nagsusulong na taasan ang sweldo ng mga nurse na nagtatrabaho para sa gobyerno.

The post P60K sweldo sa mga nurse hinirit sa Kongreso first appeared on Abante.

p60k sweldo sa mga nurse hinirit sa kongreso - P60K sweldo sa mga nurse hinirit sa Kongreso
nurse 3 - P60K sweldo sa mga nurse hinirit sa Kongreso

RP

Isang mambabatas ang nagsusulong na taasan ang sweldo ng mga nurse na nagtatrabaho para sa gobyerno.

Sa pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, hinain nito ang House Bill 7933 na halos dodoble sa sweldo ng mga government nurse.

Mula Salary Grade 15 na P32,053 ay balak gawing Salary Grade 21 o P60,901 ang starting salary para sa mga nurse.

Saad ni Defensor, ito’y para maiwasan ang pakikipagsapalaran abroad ng mga nurse sa bansa.

“We are already losing around 19,000 nurses every year to foreign employers. A decade ago, we were losing only 12,000 of them annually,” ayon kay Defensor.

Lumutang ang kakulangan ng mga health worker sa bansa matapos tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Dahil sa kakulangan ay nagpatupad ng temporary deployment ban sa mga medical worker, na nitong Sabado ay tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We cannot match the starting pay being offered by North American and European hospitals to Filipino nurses, but we can match the rate being offered by employers in Saudi Arabia, for instance,” paliwanag ni Defensor.

The post P60K sweldo sa mga nurse hinirit sa Kongreso first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *