P600M PhilHealth amnesty scam sumingaw

Nasilip pa ng isang mambabatas sa isinagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hinihinalang P600 milyong amnesty scam sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

The post P600M PhilHealth amnesty scam sumingaw first appeared on Abante.

p600m philhealth amnesty scam sumingaw - P600M PhilHealth amnesty scam sumingaw
abante philhealth 5 - P600M PhilHealth amnesty scam sumingaw

Nasilip pa ng isang mambabatas sa isinagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hinihinalang P600 milyong amnesty scam sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, mula 2011 hanggang 2019, maraming mga ospital sa bansa ang hindi nakakuha ng payment o claim mula sa PhilHealth.

Ang mga nasabing claim ay aabot umano ng P4 bilyon na pawang ibinasura ng Protest Appeals and Review Department (PARD) ng PhilHealth.

Gayunpaman, nitong Mayo 2020 sa kabila ng kawalan ng detalyadong ebalwasyon sa nasabing mga claim ay binaligtad umano ng PARD ang naturang desisyon sa bersyon ng umano’y amnestiya para mabayaran ang nasabing mga ospital.

Sinabi ni Barbers na sa P4 bilyon na dapat bayaran sa mga claim ay nasa P600 milyon lamang ang sinasabing binayaran ng PhilHealth.

Kinuwestiyonable kay Barbers kung bakit kailangan pang bayaran ang nasabing mga claim gayong binasura na ito ilang taon na ang nakakaraan.

“In an unexplainable sudden turn of events last May 2020, without the required detailed evaluation of each claim, PARD reversed its decisions and decided to grant its version of an ‘amnesty’ by paying all these hospitals,” ayon kay Barbers sa isang pahayag nito.

Kinuwestyon din ng mambabatas kung paano umano maipaliliwanag ng PARD at ng nagbitiw na PhilHealth senior vice president for legal sector Rodolfo del Rosario Jr. ang nasabing maanomalyang transaksyon. Dagdag pa ni Barbers, nasa ilalim ng tanggapan ni Del Rosario ang PARD.

Matatandaang sa gitna ng pag-iimbestiga ng Kongreso sa mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth ay nagbitiw si Del Rosario sa ahensya na epektibo Agosto 24.

Giit ni Barbers, bawat claim ay dapat isinailalim sa detalyado at masusing ebalwasyon bago muling ikonsidera.

“If the reason for resuscitating them is because Philhealth erred, then these officials are liable for gross negligence and gross neglect of duty under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, for sitting on these transactions all these years,” ayon kay Barbers.

Matatandaang sa gitna ng pag-iimbestiga ng Kongreso sa mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth ay nagbitiw si Del Rosario sa ahensya na epektibo Agosto 24. (Eralyn Prado)

The post P600M PhilHealth amnesty scam sumingaw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *