P5M TF ni Isko binigay sa mga batang may cancer

IDINONATE ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang kanyang kinitang P5 milyon sa pagmomodelo sa mga batang may sakit na cancer sa Philippine General Hospital (PGH).

p5m tf ni isko binigay sa mga batang may cancer - P5M TF ni Isko binigay sa mga batang may cancer
isko 24 - P5M TF ni Isko binigay sa mga batang may cancer

IDINONATE ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang kanyang kinitang P5 milyon sa pagmomodelo sa mga batang may sakit na cancer sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Moreno, dalawang kompanya­ ang kumuha ng kanyang­ serbisyo para imodelo ang kanilang produkto.

Sinabi ni Moreno na P1 milyon ang ibina­yad sa kanya ng unang kompanya pero nang malaman na ibibigay niya ito sa mga batang may cancer sa PGH ay dinoble ang kanyang talent fee.

Habang ang isang kompanya naman ay binayaran siya ng P3 milyon pero ipinasiya niya na ibigay na rin ito sa mga batang may sakit na cancer sa PGH.

“Hanggang kaya kong magmodelo at may kukuha sa akin papayag ako para maka­tulong sa mga batang may cancer,” ayon kay Moreno.

Ipinakita pa ni Moreno ang tseke na ibina­yad sa kanya na ibibigay niya sa PGH.

Ang mga kompan­yang Jag at I Am Coffee ang kumuha sa serbisyo ni Mayor­ Isko. (Juliet de ­Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *