P5M talent fee ni Isko niregalo sa mga nilindol

SA kagustuhang makatulong sa mga nabiktima­ ng lindol sa Cotabato, tinanggap ni Manila ­Mayor ‘Isko Moreno’ Domagoso ang alok na pagmomodelo ng dalawang kompanya para sa talent fee na P5 milyon.

p5m talent fee ni isko niregalo sa mga nilindol - P5M talent fee ni Isko niregalo sa mga nilindol
isko 24 - P5M talent fee ni Isko niregalo sa mga nilindol

SA kagustuhang makatulong sa mga nabiktima­ ng lindol sa Cotabato, tinanggap ni Manila ­Mayor ‘Isko Moreno’ Domagoso ang alok na pagmomodelo ng dalawang kompanya para sa talent fee na P5 milyon.

Nabatid sa alkalde na ipinasiya niyang i-donate sa pamahalaang panlalawigan ang P3 milyong talent fee mula sa isang pharmaceutical company na Pascual Laboratories at ang P2 milyon naman galing sa Belo Medical Group.

“Noong nag-aartista ako walang kumukuha sakin na modelo kung kelan naman ako naging alkalde nagkasabay-sabay,” ayon kay Moreno.

Gayunman, sinabi ng alkalde na kahit kalakarin niya ang kanyang katawan ay walang problema para makatulong dahil alam niya na napakahirap sa alkalde at sa gobernador ng Cotabato kung saan sila kukuha nang gagastusin para sa kanilang mga pangangailangan.

Hindi rin naman umano puwedeng pakialaman ang pondo ng lokal na pamahalaan ng Maynila dahil gipit rin ito, kaya minabuti niya na tanggapin ang alok na magmodelo para makatulong sa Cotabato.

Magkakasunod na lindol at mga aftershock ang naranasan sa Mindanao simula pa noong Oktubre 26 partikular sa bayan ng Tulunan sa Cotabato na siyang epicenter ng dalawang malalakas na paglindol na naitala sa rehiyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *