P5M multa vs kompanyang burara sa contract tracing

Nagbabala ang National Privacy Commission sa mga business establishments na maari silang pagmultahin ng hanggang P5 milyon pag kinalat nila ang personal information ng mga tao para sa contact tracing data na hinihingi pag pumapasok sa mga tindahan o tanggapan.

The post P5M multa vs kompanyang burara sa contract tracing first appeared on Abante.

p5m multa vs kompanyang burara sa contract tracing - P5M multa vs kompanyang burara sa contract tracing
abante tracing 1 - P5M multa vs kompanyang burara sa contract tracing

Nagbabala ang National Privacy Commission sa mga business establishments na maari silang pagmultahin ng hanggang P5 milyon pag kinalat nila ang personal information ng mga tao para sa contact tracing data na hinihingi pag pumapasok sa mga tindahan o tanggapan.

Bukod sa multa, maaring makulong ng hanggang anim na taon ang matukoy na may kasalanan.

Sabi ng NPC, marami na itong natatanggap na reklamo ng mga customers ng pambuburara ng personal information ng mall, fast food chain at drug store chain, supermarkets, clothing retailer, pati na coffee shops.

Ayon sa NPC, inumpisahan na nitong imbestigahan ang mga reklamo at bantayan ang pagsunod ng mga ito sa guidelines at ng iba pang mga ahensiya ng pamahalaan tungkol sa contact tracing.

Marami ang nababahala ayon sa NPC dahil sa logbook lamang nagpi-fill up ng forms ang mga tao at mababasa ng kahit na sino ang kanilang mga pangalan, address, at iba pang contact details.

“We hear out the sentiment of the public and their encounters with establishments that violate privacy rights and employ inappropriate security measures,” sabi ni Privacy Commissioner Raymund E. Liboro.

Paalala ng NPC sa mga kompanya pagdating sa contact tracing, kunin lamang ang datos na kailangan, magbigay ng privacy notice, magkaroon ng masinop na paraan sa pagtapon ng datos at hawakan ito sa limitadong panahon. (Eileen Mencias)

The post P5M multa vs kompanyang burara sa contract tracing first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *