P5M Marawi fund ginamit sa Saudi pilgrimage

IAAPELA ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa Commission on Audit (COA) na huwag nang kuwestiyunin ang P5 milyong ginamit na pondo para sa Haj pilgrimage sa Saudi Arabia ng ilang mga residente ng Marawi City.

The post P5M Marawi fund ginamit sa Saudi pilgrimage appeared first on Abante News Online.

p5m marawi fund ginamit sa saudi pilgrimage - P5M Marawi fund ginamit sa Saudi pilgrimage
marawi - P5M Marawi fund ginamit sa Saudi pilgrimage

IAAPELA ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa Commission on Audit (COA) na huwag nang kuwestiyunin ang P5 milyong ginamit na pondo para sa Haj pilgrimage sa Saudi Arabia ng ilang mga residente ng Marawi City.

Sinabi ni TFBM head Secretary Eduardo del Rosario na ang P5 milyon ay ibinigay nila sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) noong isang taon para isponsoran ang pilgri­mage ng mga internally displaced person (IDP) na nakatira sa mga evacuation center at transitional shelter sa Marawi City.

“We are writing an appeal to COA not to disallow this vital transaction, and besides, the P5m was properly dispensend by the NCMF,” ani del Rosario.

Ipinaliwanag ng kalihim na bahagi ito ng social healing process sa isinusulong na rehabilitasyon ng Marawi City.

Naniniwala si del Rosario na napakahalaga sa mga IDP ang social healing para mabawasan ang dinanas na trauma sa ilang buwang bakbakan sa Marawi City.

Ang Haj aniya ay isang sagradong obligasyon at hangarin ng bawat mananampalataya ng Islam.

“Haj is a solemn obligation and wish of every muslim. It is so important to them that social healing is envisioned in the process,” dagdag pa ni del Rosario.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang NCMF ang nangasiwa sa pagproseso sa mga travel document, pasahe sa eroplano at billeting sa Saudi Arabia ng mga IDP sa loob ng isang buwang pilgrimage gamit ang nasabing pondo.

Ang mga nagpunta sa pilgrimage ay napili sa pamamagitan ng bunutan sa harap mismo ng mga IDP kaya hindi masasabing pinili ang mga bumiyahe sa Saudi Arabia.

Nakarating na sa Malacañang ang ginawang pag-sponsor ng TFBM sa Haj pilgrimage ng mga IDP at sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag hindi nakumbinsi ang COA ay posibleng mauwi ito sa kasong technical malversation laban sa mga opisyal ng Task Force Bangon Marawi.

(Aileen Taliping)

The post P5M Marawi fund ginamit sa Saudi pilgrimage appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *