P5M cocaine naispatan sa dagat

cocaine

NASA limang milyong­ pisong halaga ng cocaine ang natagpuan ng isang residente sa dalampasigan ng Barangay Apad, Jomalig, Quezon noong Biyernes.

p5m cocaine naispatan sa dagat - P5M cocaine naispatan sa dagat
cocaine1 - P5M cocaine naispatan sa dagat

NASA limang milyong­ pisong halaga ng cocaine ang natagpuan ng isang residente sa dalampasigan ng Barangay Apad, Jomalig, Quezon noong Biyernes.

Ayon sa report ng Jomalig police, alas-singko ng umaga nang mamataan ng mangingisdang si Jose Mercado ang isang kahina-hinalang brown package sa tabing dagat.

Agad niya itong kinuha at ini-report sa mga barangay at municipal official na siyang nagsurender sa mga pulis.

Matapos maiturn-over sa mga awtoridad, natuklasan na isa itong brick na may timbang ng humigit kumulang sa isang kilo at ang pagkakabalot ay katulad ng mga paketeng una nang narekober sa ibang mga lugar sa karagatang paharap sa Dagat Pasipiko na positibong naglalaman ng cocaine.

Dinala na ang pakete sa crime laboratory ng PNP para sa karagdagang pagsisiyasat. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *