P5K COVID aid sa Paranaque matatanggap sa bank-on-wheels

Sinimulan kahapon ng Paranaque City government ang pamamahagi ng cash assistance program na tinawag na ‘Paraña-Cash’ via Bank-on-Wheels (BOW) para sa mga residente ng lungsod sa layuning maibasan ang epekto ng COVID 19 sa gitna nang ipinatutupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

p5k covid aid sa paranaque matatanggap sa bank on wheels - P5K COVID aid sa Paranaque matatanggap sa bank-on-wheels
abante bank on wheels - P5K COVID aid sa Paranaque matatanggap sa bank-on-wheels

Sinimulan kahapon ng Paranaque City government ang pamamahagi ng cash assistance program na tinawag na ‘Paraña-Cash’ via Bank-on-Wheels (BOW) para sa mga residente ng lungsod sa layuning maibasan ang epekto ng COVID 19 sa gitna nang ipinatutupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Sa pamamagitan ng partnership sa Union Bank of the Philippines (UnionBank), 50,000 benepisyaryong residente ng Paranaque ang maaari nang mag-withdraw ng kanilang P5,000 cash aid sa pamamagitan ng BOW, isang 5G powered at airconditioned kiosk na nasa mobile van.

Ang mobile van ay dinisensyo para mga customer na gagamit ng automated teller machine (ATM) para sa cash withdrawal, balance inquiry, fund transfer at bills payment na hindi na kailangang lumayo sa kanilang komunidad.

“Today is another milestone as we witness the pilot run of the on-site digital disbursement of Paraña-Cash Assistance Program which is P5,000 for every household in Paranaque,” sabi pa ni Mayor Edwin Olivarez sa ginanap na launching sa Barangay Moonwalk.

Dumalo sa okasyon sina Interior Undersecretary Jonathan Malaya, Anti-Red Tape Authority (ARTA) director general Jeremiah Belgica, Union Bank senior vice president Paolo Baltao, city Business Permit and Licensing Office chief Melanie Malaya at mga opisyal ng city hall.

Naniniwala si Olivarez na malaking tulong ang programa para maiwasan ang hawaan sa virus gayundin matulungan ang mga residente na matuto sa makabagong teknolohiya sa panahon ng pandemya. “

Nagsimula na umanong makatanggap ng UnionBank EON VISA Card ang mga kwalipikadong benepisyaryo may dalawang linggo ng nakararaan, ayon kay Olivarez.

Naging ehemplo umano ang Paranaque City sa pagpapatupad ng mga electronic government service at digital economy na nakatulong sa mabilis at episyenteng serbisyo sa mamamayan at consumers ngayong panahon ng pandemya, ayon kay Malaya.

Sa interview sinabi nito na matagal nang itinutulak ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paggamit ng online technology sa public service .

At dito nanguna ang pamahalaang lokal ng Paranaque sa pagpapatupad ng government-wide automation sa mga business at non-business transaction tungo sa digital transformation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *