P553K DND kubeta aircon sopla sa COA

PINAGPAPALIWANAG ng Commission on Audit(COA) ang Department of National Defense (DND) sa paggasta nito ng mahigit sa P500,000 para lamang sa installation fee ng aircon unit at water heaters sa kanilang mga palikuran.

p553k dnd kubeta aircon sopla sa coa - P553K DND kubeta aircon sopla sa COA
Commission on Audit - P553K DND kubeta aircon sopla sa COA

PINAGPAPALIWANAG ng Commission on Audit(COA) ang Department of National Defense (DND) sa paggasta nito ng mahigit sa P500,000 para lamang sa installation fee ng aircon unit at water heaters sa kanilang mga palikuran.

Ayon sa COA sobra sobra ang nasabing halaga bilang installation fee gayundin ay maituturing na kaluhuan ang paglalagay pa ng shower heater sa mga comfort rooms.

“We recommend that management provide justification why the installation of shower and air-conditioning units is necessary in the common comfort rooms and be allowed in audit,” ayon sa COA report na may petsang July 24,2020.

Batay sa report ng COA, 2019 nang maglaan ang DND ng ₱6.4M para sa renovation at pagsasayos ng palikuran sa kanilang South Wing building, kasama umano sa dito ang tile works, pagpapapintura at paglalagay ng fixtures at accessories gayundin ang installation ng air-conditioning units at shower heater na aabot sa ₱553,807.62.

Bilang depensa, sinabi ng DND na kailangan ang pagpapaganda sa mga palikuran para na rin maging kaaya aya at kumportable sa mga empleyado, nakakapanghikayat umano sa mga kawani na maging mas produktibo sa trabaho kung maayos ang mga palikuran.

Sagot naman ng COA, kaluhuan ang nais ng DND sa paggasta ng milyong halaga para lamang sa mga palikuran, hindi umano umuubos ng ilang oras ang mga kawani sa loob ng mga comfort rooms, sa halip ay mas inilaan na lamang ang pondo sa mas makabuluhang proyekto. (Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *