P50K natangay sa 2 Chinese

TINATAYANG aabot sa P50,000 cash at gadget ang natangay sa dalawang Chinese national nang mabiktima ang mga ito ng salisi gang sa loob ng isang restaurant sa Parañaque City kamakalawa ng hapon.

p50k natangay sa 2 chinese - P50K natangay sa 2 Chinese
ABANTE crime scene - P50K natangay sa 2 Chinese

TINATAYANG aabot sa P50,000 cash at gadget ang natangay sa dalawang Chinese national nang mabiktima ang mga ito ng salisi gang sa loob ng isang restaurant sa Parañaque City kamakalawa ng hapon.

Nanlulumo pa ang dalawang biktima na sina Yang Zujing, 36, at Li Yang, 32, nang magtungo ang mga ito sa tanggapan ng pulisya upang i-report ang insidente.

Naganap ang insidente dakong alas-singko ng hapon, abala umano sa pagkain ang dalawang biktima nang matangay ng mga suspek ang isa nilang bag na naglalaman ng P20,000 cash, pitaka na may lamang P30,000 at cellular phone na may halagang P20,000.

Agad silang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Ruben Querubin Jr., 53, habang nakatakas ang dalawa niyang kasama.

Narekober dito ang isang pouch na naglalaman ng P2,300 at iba’t ibang identification card at ang silver na Toyota Corolla na kanyang sinasakyan.

Natangay naman ng dalawa niyang kasama ang bag ng mga biktima.

Nahaharap sa kasong Theft sa Prosecutor’s Office ang nadakip na suspek, habang tinutugis pa ang mga nakatakas nitong kasamahan. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *