P50 Grab cancellation fee pinigil ng LTFRB

PINAHINTO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paniningil ng Grab ng P50 sa bawat kanselasyon ng booking at ‘di pagsipot sa pick-up point.

The post P50 Grab cancellation fee pinigil ng LTFRB appeared first on Abante News Online.

p50 grab cancellation fee pinigil ng ltfrb - P50 Grab cancellation fee pinigil ng LTFRB
grab 3 - P50 Grab cancellation fee pinigil ng LTFRB

PINAHINTO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paniningil ng Grab ng P50 sa bawat kanselasyon ng booking at ‘di pagsipot sa pick-up point.

Kasabay nito, pinulong ng LTFRB ang mga kinatawan ng Grab at iba pang Transport Network Companies (TNCs) hinggil sa pinatupad nilang patakaran na maningil ng P50 sa pasaherong nagkansela ng booking, limang minuto matapos makakuha ng driver at ang hindi pagpapakita sa pick-up point, limang minuto matapos duma­ting ang driver.

Ang miting ay pina­ngunahan ni LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra II, kasama sina Board Member Gen. Antonio N. Gardiola, Jr. (Ret) at Engr. Ronaldo F. Corpus noong Lunes, Mayo 6, sa kanilang Central Office.

“While the LTFRB is looking into this policy, the agency also takes into consideration its mandate to ensure the protection of the inte­rest of its most important stakeholders, the riding public. The LTFRB is mandated to ensure that Public Utility Vehicles (PUVs) charge reasona­ble fares,” ayon sa statement ng Board.

Nagkasundo ang Board at mga kinatawan ng TNC na lumikha ng technical working group na pamumunuan ni Board Member Gardiola upang resolbahin ang bagong fare policy at iba pang isyu ng mga TNC at Transport Network Vehicle Services (TNVS). (Riz Dominguez)

The post P50 Grab cancellation fee pinigil ng LTFRB appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *