P49M halaga ng marijuana binunot sa Kalinga

UMAABOT sa mahigit P49 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot sa isinagawang tatlong araw na operasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa may isa’t kalahating ektarya na plantasyon nito sa Brgy. Loccong Tinglayan, Kalinga Province.

The post P49M halaga ng marijuana binunot sa Kalinga appeared first on Abante News Online.

p49m halaga ng marijuana binunot sa kalinga - P49M halaga ng marijuana binunot sa Kalinga
marijuana 1 - P49M halaga ng marijuana binunot sa Kalinga

UMAABOT sa mahigit P49 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot sa isinagawang tatlong araw na operasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa may isa’t kalahating ektarya na plantasyon nito sa Brgy. Loccong Tinglayan, Kalinga Province.

Ayon kay Police Brig. General Ignatius Ferro, Director ng PNP-DEG, bagama’t walang nahuling suspek, matagumpay naman ang isinagawa ang operasyon na sinimulan Hunyo 27 hanggang 29, at matagumpay naman nilang nabunot ang 240,500 na full grown marijuana plants mula sa kabuuang 14,200 square meter na lupa.

Ayon pa kay Fierro ang kabuuang halaga ng marijuanang kanilang nakuha sa tulong na rin ng iba’t ibang unit ng kapulisan ay aabot sa P49,600,000.

Ang nasabing operasyon dagdag pa ni Fierro ay bilang pagtugon sa kautusan ni PNP chief General Oscar Albayalde at base sa isinagawang ‘Oplan Green Pearl Charlie’. Dalawang grupo ng pulisya ang sumabak sa nasabing operasyon upang mabunot at masunog ang mga tanim na marijuana.

Samantala nagbabala naman ang pulisya sa sinumang tao na magtatanim ng marijuana sa lugar na huwag na nilang ituloy ang kanilang plano dahil siguradong mananagot sila sa batas kapag nahuli.(Edwin Balasa)

The post P49M halaga ng marijuana binunot sa Kalinga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *