P400M white sand aanurin lang

Hinihingi ng isang advocacy group sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kuwenta ng mga pinagkagastusan para sa Manila Bay rehabilitation project na 500 metro lamang ang sakop subalit aabot ng halos P400 milyon ang halaga.

The post P400M white sand aanurin lang first appeared on Abante.

p400m white sand aanurin lang - P400M white sand aanurin lang
abante white sanda - P400M white sand aanurin lang

Hinihingi ng isang advocacy group sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kuwenta ng mga pinagkagastusan para sa Manila Bay rehabilitation project na 500 metro lamang ang sakop subalit aabot ng halos P400 milyon ang halaga.

Ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon, papatak ng P795,000 per square meter ang halaga ng ginastos ng DENR sa proyekto samantalang ang halaga ng pagpapagawa ng kalsada ay nasa P25 hanggang P30 milyon lamang bawat kilometro.

Aabot umano sa P397.5 milyon ang nawaldas na pera ng bayan sa pagbubuhos ng white sand sa dalampasigan ng Roxas Boulevard na lalamunin din naman ng mga alon sa ibang bahagi ng karagatan.

Ayon kay ang halaga ng paglagay ng white sand ay aabot sa P795,000 per meter. Sa 500 meters, P397.5 milyon na ang ginastos na maaari sanang pinamibigay na lamang na ayuda sa mga walang trabaho at walang makain.

Ayon kay Ridon, P600 per ton ang naging pinakamahal na presyo ng dolomite sand base sa datos ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) kaya’t hindi dapat lalampas ng P56.98 milyon ang halaga para sa 62,100 cubic meters. Sa ngayon nga, P469.50 per ton lamang ang halaga ng dolomite sand.

Dagdag pa ni Ridon, masama rin sa kalusugan ng mga tao ang white sand na nilagay ng DENR sa Manila Bay. Aniya, noong huling nabalita ang white sand, kinasuhan ang presidente ng plunder.

Lumabag sa batas

Ipinahayag naman ng environmental group na Oceania Philippines na lumabag umano sa itinatakda ng batas ang DENR sa paglalagay ng mga pekeng white sand sa may 500 metro ng Baywalk sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Sinabi ni Oceana vice president Gloria Estenzo Ramosa sa isang pahayag ng grupo, na sa ilalim ng Fisheries Code, Local Government Code at ng Environmental Impact Assessment System Act, kinakailangan na ang government agencies ay magsagawa muna ng Environmental Impact Study process at Environmental Compliance Certificate para sa ganitong uri ng proyekto at kinakailangan ang dito ang “full blown participatory process”.

“Ironically, it is the DENR that does not seem to follow the requirements set by law,” ayon kay Ramos.

Kinuwestiyon rin ng grupo ang DENR kung bakit inuuna ang tinawag nitong “purely aesthetic program” sa rehabilitation ng Manila Bay. Hindi rin ba umano alam ng DENR na nakakasisira ito sa dalampasigan.

Hiniling ni Ramos sa Biodiversity Management Bureau ng DENR na imbestigahan ang proyekto ng kagawaran na hindi lamang aniya sinisira ang natural eco-system ng Manila Bay kundi magingang pinagkunan ng white sand dahil kinakailangan ng daang tonelada nito para magkaroon ng impact sa coastal integrity.

Parte ng rehab `yan – Malacañang

Ipinahayag naman nitong Biyernes ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bahagi ng Manila Bay rehabilitation program ang paglalagay ng mga dinurog na dolomite boulder sa Baywalk at may nakalaang budget dito.

Hindi naman binanggit ni Roque kung magkano ang pondong ginamit sa paglalagay ng pekeng white sand. Maging ang DENR wala pang pahayag kung magkano gastos nila rito.

Sinabi pa ni Roque na nagsimula itong gawin bago pa man maganap ang COVID-19 pandemic. (Eileen Mencias/Juliet de Loza-Cudia/Prince Golez)

The post P400M white sand aanurin lang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *