P396B DPWH ‘pork’ pinaglalawayan ng mga cong

PARA kay Panfilo ‘Ping’ Lacson ang P396 bilyong lump sum na nakagarahe sa panukalang 2021 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay maaring galing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

The post P396B DPWH ‘pork’ pinaglalawayan ng mga cong first appeared on Abante.

p396b dpwh pork pinaglalawayan ng mga cong - P396B DPWH ‘pork’ pinaglalawayan ng mga cong
abante dpwh - P396B DPWH ‘pork’ pinaglalawayan ng mga cong

PARA kay Panfilo ‘Ping’ Lacson ang P396 bilyong lump sum na nakagarahe sa panukalang 2021 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay maaring galing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang sinabi ni Lacson at maaring ugat kung bakit nag-aaway ang ilang kongresista dahil sa hindi pantay na distribusyon ng mga alokasyon para sa mga proyekto sa kani-kanilang mga distrito.

“Ito rin ang pinag-awayan sa HOR kasi lumalabas ang addendum ang listahan kung saan in-itemize nila ang P396B na lump sum,” pahayag ni Lacson sa panayam sa DZBB.

“Mukhang nanggaling sa congressmen kaya may reklamuhan na hindi equitable, hindi pare-parehas ang distribution sa mga distrito. Kaya sumabog na rin ang controversy,” dagdag pa nito.

Hindi pa aniya kasama doon ang mga amendment ng mga senador dahil may ilan di sa kasama niya ang may mga concern sa kanilang mga probinsiya.

“Pero pagdating sa Senado at HOR version nakita namin na ganoon ang nilalaman, marami ring makukuwestyon. At wala pa roon ang amendments ng mga senador. You must remember may kasama rin kami, may concerns din sila sa kani-kanilang probinsya,” ani Lacson.

“Yan ang wino-worry ko. Di ako kasama, alam mo naman ang amendments ko wala naman talagang parochial kundi puro institutional papunta sa DOST, etc. Pero never ako nag-amend sa infrastructure projects,” sambit pa nito.

Nauna nang hiniling ni Lacson sa DPWH na ipaliwang ang lagpas na P500 bilyong re-appropriation at lump sum sa mga kuwestiyonableng appropriation sa 2021 budget.

“P532B kasi ang P396B yan ang lump sum pagkatapos naiwanan ang 5,913 items, ito naman ang inulit. Appropriated na sa 2020 in-appropriate na naman sa 2021. Hindi pupuwede yan. Ilan yan, malaki yan, P135B yan, halos mauubos yan, kasi ang budget niya P666B pagkatapos ang P532B questionable,” ani Lacson.

Ang DPWH ang pangalawa sa mga ahensiya ng gobyerno na may pinakamalaking alokasyon para sa 2021 na umabot sa P667 bilyon sa likod ng nangungunang Department of Education (DepEd) na P754.5 4 bilyton.

Sumunod sa DepEd at DPWH ang Department of Interior and Local Government (DILG) na may P246.1 bilyon), Department of National Defense (DND) (P209.1 biyon)at Department of Health (DOH) na may P203.1 bilyon.

Ang iba pang pasok sa top 10 na may pinakamataas na alokasyon ay Department of Social Welfare and Development (P171.2 bilyon), Department of Transportation (P143.6 bilyon), Department of Agriculture (P66.4 bilyon), Judiciary (P43.5 bilyon) at Department of Labor and Employment (DOLE) (P27.5 bilyon). (Dindo Matining)

The post P396B DPWH ‘pork’ pinaglalawayan ng mga cong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *