P393B Metro Manila subway ligtas sa baha

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi papasukin ng tubig-baha ang 34-kilometer Metro Manila Subway Project na popondohan ng P393B, kabilang ang 17 station nito mula sa Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at FTI.

The post P393B Metro Manila subway ligtas sa baha first appeared on Abante.

p393b metro manila subway ligtas sa baha - P393B Metro Manila subway ligtas sa baha
Subway - P393B Metro Manila subway ligtas sa baha

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi papasukin ng tubig-baha ang 34-kilometer Metro Manila Subway Project na popondohan ng P393B, kabilang ang 17 station nito mula sa Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at FTI.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, dinisenyo ang Metro Manila Subway na ligtas sa tubig-baha matapos na masiguro sa mga eskspertong Japanese contractors nito ang isyu ng pagbaha sa Metro Manila.

Sa naganap na virtual unveiling of a tunnel boring machine (TBM) para sa subway, alam na ng JIM Technology Corporation (JIMT) ang problema ng Metro Manila kaugnay sa pagbaha kaya siniguro na hindi papasukin ng tubig-baha ang tunnel para sa subway.

“The technology of our Japanese construction partners is the assurance; their experience is the assurance. The perennial flooding has been considered very strongly in formulating the details of the first Manila subway station,” paglilinaw ni Tugade.

Ibinida pa ni Tugade na mas malaking proyekto ang na-encounter ng kanilang contractor sa Japan na mayroong mas matinding baha ang naranasan kumpara sa bansa at nilagyan nila ng makabagong teknolohiya na makasisigurong ligtas. (Vick Aquino)

The post P393B Metro Manila subway ligtas sa baha first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *