P387M Phisgoc utang sa SEA Games pinatalupan

Hinikayat ni Senador Leila de Lima ang Senado na simulan na ang malalimang imbestigasyon sa diumano’y iregularidad sa pag-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong 2019 partikular ang isyu ng pagkakautang ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) sa mga supplier nito na umabot sa P387 milyon.

The post P387M Phisgoc utang sa SEA Games pinatalupan first appeared on Abante.

p387m phisgoc utang sa sea games pinatalupan - P387M Phisgoc utang sa SEA Games pinatalupan
abante sea games - P387M Phisgoc utang sa SEA Games pinatalupan

Hinikayat ni Senador Leila de Lima ang Senado na simulan na ang malalimang imbestigasyon sa diumano’y iregularidad sa pag-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong 2019 partikular ang isyu ng pagkakautang ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) sa mga supplier nito na umabot sa P387 milyon.

Ang Phisgoc ay pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano kung saan siya ang tumatayong chairman.

Ayon kay De Lima, panahon na para simulan ng Senado ang pagdinig sa Senate Resolution No. 274 na inihain niya noong pang nagdaang taon at siyasatin ang diumano’y ‘organizational’ at ‘administrative’ na problema na nakaapekto sa naturang sports event.

Ang resolusyon na inihain niya noong Disyembre 2019 ay `natutulog’ lang umano sa Senate Blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.

“Bakit naman ganun? Hindi dapat pinapalampas ang ganitong pangyayari. Dapat imbestigahan ito para matukoy kung may naganap na hokus-pokus sa pondo ng bayan,” ani De Lima.

Lumutang ang isyu ng P387 milyong pagkakautang sa supplier ng Phisgoc sa budget hearing ng Philippine Sports Commission (PSC). (Dindo Matining)

The post P387M Phisgoc utang sa SEA Games pinatalupan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *