P36M shabu nasabat sa Pasay buy-bust

TINATAYANG nasa P36 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska habang dalawa naman ang arestado sa operasyon ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Pasay City kamakalawa.

p36m shabu nasabat sa pasay buy bust - P36M shabu nasabat sa Pasay buy-bust
shabu 17 - P36M shabu nasabat sa Pasay buy-bust

TINATAYANG nasa P36 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska habang dalawa naman ang arestado sa operasyon ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Pasay City kamakalawa.

Kinilala ni PCol Romeo Caramat, hepe ng PNP-DEG, ang mga nadakip na suspek na sina Emerson Fernandez, 39-anyos, residente ng General Trias, Cavite, at Peter Lnuzga, 46, nakatira sa San Martin De Porres, Parañaque City.

Ayon kay Caramat, isang buy-bust ang isinagawa ng kanilang tanggapan kung saan target ang mga suspek.

Nagkaroon ng transaksyon sa isang fast food chain sa kahabaan ng Roxas Boulevard dakong alas-otso nang gabi ang mga suspek at police poseur buyer.

Matapos ang palitan ng pera at iligal na droga ay inihudyat ang pagdakip sa mga suspek kung saan nakakuha ang pulis­ya ng aabot sa 47 plastic package na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na aabot sa anim na kilo ang kabuuang timbang sa loob ng Toyota Camry na may plakang XAF 784 na pag-aari ng isa sa mga suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP-DEG ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa mga ito. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *