P30K suweldo ng mga nurse pondohan – Drilon

HINIKAYAT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Senate Committee on Finance na hanapan ng pondo ang dagdag sa suweldo ng mga nurse ng gobyerno matapos pagtibayin Korte Suprema ang probisyon ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagtatakda ng mas mataas na salary grade para sa mga nurse.

p30k suweldo ng mga nurse pondohan drilon - P30K suweldo ng mga nurse pondohan – Drilon
drilon 2 - P30K suweldo ng mga nurse pondohan – Drilon

HINIKAYAT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Senate Committee on Finance na hanapan ng pondo ang dagdag sa suweldo ng mga nurse ng gobyerno matapos pagtibayin Korte Suprema ang probisyon ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagtatakda ng mas mataas na salary grade para sa mga nurse.

“We should look for ways to provide the necessary funding to implement the Philippine Nursing Act which we passed when I was Senate President in 2002,” pahayag ni Drilon sa isang statement kahapon.

“There are excess fats in the P4.1-trillion 2020 spending outlay which we can use to augment the minimum base pay of thousands of government nurses in accordance with the Republic Act 9173 and pursuant to the ruling of the Supreme Court,” dagdag nito.

Ayon kay Drilon, may 7,193 nurse 1 position sa gobyerno at kinakailangan ng P1 bilyong pondo para sa implementasyon ng RA 9173 simula sa 2020.

Tinukoy ni Drilon ang tatlong posibleng pagkunan ng pondo nito: Ang Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF), ang panukalang pondo para sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at ang hindi nagamit na revenue mula sa Sin Tax Law.

“We owe it to our nurses who provide patients 24/7 health care in overcrowded government hospitals, which sometimes comes at the expense of their own health and wellbeing,” sabi ni Drilon.

Sa ilalim ng RA Act 9173 o Philippine Nursing Act, ang minimum base pay ng mga government nurse ay dapat hindi bababa sa salary grade 15 na may katumbas na suweldong P30,531.

Subalit noong 2009, nagbaba si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Executive Order No. 811 na nagbabawas ng base pay ng mga nurse sa salary grade 11 mula sa dating salary grade 15. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *